Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Jordan “Ka Sy/Ka Moy” Mopon, magiting na kumander, pinarangalan
November 25, 2025 |

Iginawad ng Partido Komunista ng Pilipinas at Regional Operations Command ng BHB-TK ang pinakamataas na Pulang saludo at pagpupugay kay Jordan “Sa Sy/Ka Moy/Ka RF” Mopon, 40, sa kanyang pagkamartir noong Oktubre 17 sa Sityo Balagbag, Brgy. San Mateo, Norzagaray, Bulacan. Nabuwal siya sa labanan sa pagitan ng pasistang tropa ng 73rd DRC, 703rd Infantry […]

ISM sa Mindoro at Rizal, inatake ng AFP-PNP
November 25, 2025 |

Inilunsad ng People’s Rising for Climate Justice ang International Learning and Solidarity Mission (ISM) sa mga komunidad na apektado ng militarisasyon at inhustisya sa kapaligiran (climate injustice) mula Oktubre 11-14 sa Mindoro at Rizal. Isinagawa nila ang mga imbestigasyon sa mga komunidad, lalo sa mga pambansang minorya na isa sa mga pangunahing biktima ng malawakang […]

Panggigipit ng AFP sa pamilya at pagkakait sa labi ni Ka SY, paglabag sa IHL
November 25, 2025 |

Inilibing noong Oktubre 23 sa Rizal ang rebolusyonaryong martir na si Jordan “Ka Boyong/Ka SY” Mopon. Siya ang tumayong punong kumander ng Narciso Antazo Aramil Command-BHB Rizal at ng subrehiyonal na kumand. Nabuwal siya habang magiting na nakikipaglaban sa mga pasistang 73rd DRC ng 703rd Infantry Brigade noong Oktubre 17 sa Sityo Balagbag, Brgy. San […]

Buwan ng Magsasaka, ginunita sa serye ng mga aktibidad sa TK
November 25, 2025 |

Naglunsad ang Katipunan ng mga Magsasaka ng Timog Kataglugan (KASAMA-TK) ng iba’t ibang porma ng pagkilos upang gunitain ang Buwan ng mga Magbubukid ngayong Oktubre. Oktubre 18. Matagumpay na inilunsad ang forum sa LICEO, simbahan ng San Pablo, Laguna katuwang ang San Pablo Ayaw sa Korap (SAPAK) na may temang “Mamamayan Magkaisa para sa Lupa […]

Protesta ng mga kabataan, magsasaka at komunidad sa TK laban sa korapsyon, nagpapatuloy
November 25, 2025 |

Mula nang pumutok ang isyu ng korapsyon, sunud-sunod ang mga kilos protesta sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Sa buwan ng Oktubre, patuloy na inihahatid sa lansangan ang paniningil ng mamamayan ng Timog Katagalugan sa katiwalian at kabulukan ng rehimeng US-Marcos II. Walkout ng mga kabataan Ipinamalas ng mga kabataang estudyante sa National Youth Day […]