Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Bakit mabibigo ang NAP-UPD?
Ang National Action Plan for Unity, Peace and Development o NAP-UPD ay ang bagong estratehikong plano ng rehimeng US-Marcos II para sa pagpapatupad ng whole-of-nation approach sa hibang na layuning wakasan ang 56-taon nang rebolusyonaryong armadong paglaban ng mamamayan sa loob ng tatlong taon mula ngayon (2025-2028). Pangunahing tagapagpatupad pa rin nito ang notoryus na […]
AKP, matagumpay na inilunsad sa gitna ng atake ng pasistang AFP!
Matagumpay na nagtapos ang mga Pulang mandirigma ng Lucio De Guzman Command-Bagong Hukbong Bayan Mindoro ng Abanteng Kurso ng Partido sa kabila ng matinding atake ng pasistang AFP. Kalakhan sa mga estudyante ay mula sa hanay ng mga magsasaka at pambansang minorya. Inilunsad ang pag-aaral mula Hulyo 29 hanggang Agosto 10. Isinagawa ang pag-aaral upang […]
Serye ng feeding program at relief operations, inilunsad sa Cavite
Inilunsad ang serye ng feeding programs at relief drive operations sa Cavite sa pangunguna ng Serve the People Corps-Cavite (STPC-C) mula Hulyo 23 hanggang Agosto 20. Nabenepisyuhan nito ang mahigit 2,130 biktima ng bagyo na kalakhan ay mangingisda at maralita sa mga syudad ng Bacoor, Noveleta, Rosario, Tanza at Dasmariñas. Pagsisikap ito ng STPC-C dahil […]
Ang tusong kaibigan
Hindi namin malilimutan ang ‘yong pagdating Nakangiti ka habang buong giliw Na hinahandog sa amin iyong suporta at baril para “tulungang” makamit ang kalayaang hangad namin. Buong akala namin ikaw ay kasangga Sa layuning palayasin kaaway na kolonyalista Kaytagal naming inasam na makaalpas Tatlong daang taong higit na ang nakalipas. Ngunit sa aming tagumpay na […]
Itigil na ang walang patumanggang pamamaril at pambobomba! 203rd Brigade, singilin at papanagutin!
Binulabog ang mga komunidad sa palibot ng Sityo Swerte, Barangay San Vicente, Roxas, Oriental Mindoro ng pitong beses na pambobomba ng 203rd Brigade noong Setyembre 9, bandang alas-10 ng gabi hanggang madaling araw kinabukasan. Nangyari ang pambobomba matapos ang labanan sa pagitan ng mga pwersang militar ng 203rd Brigade at yunit ng Lucio de Guzman […]