Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Bigo at patuloy na mabibigo ang 203rd Brigade sa tangkang pandudurog sa tunay na hukbo ng mamamayang Mindoreño!
Taas-kamaong pagpupugay ang ibinibigay ng Lucio de Guzman Command (LDGC)-NPA Mindoro at ng mamamayang Mindoreño sa magiting na paglaban ng isang yunit ng NPA sa tangkang paglipol ng mga tropa ng 203rd Infantry Brigade. Naganap ang labanan badang alas-6 ng umaga ng Agosto 19, 2025 sa Sityo Pagbok, Barangay Panaytayan, Mansalay, Oriental Mindoro. Magiting na […]
203rd Infantry Brigade at PNP MIMAROPA: numero unong tagalabag ng karapatang pantao at internasyunal na makataong batas sa isla ng Mindoro!
Ang Agosto ay buwan ng pagkilala sa International Humanitarian Law (IHL). Sa buwang ito noong 1998, pinirmahan ng Gubyerno ng Republika ng Piliipinas (GRP) at National Democratic Front of the Philippines (NDFP) ang Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL). Sa loob ng higit dalawang linggo ngayong buwan, pinatunayan ng […]
Tatlong taon ng kasinungalingan, paghihirap, at mga pangakong napanis ang bukod tanging maipagmamayabang ni Marcos Jr. dahil walang pag-unlad sa kalagayan ng mamamayan!
Sa katatapos na ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Marcos Jr noong Hulyo 28, mistulang mga bula na mabilis maglaho sa hangin ang bawat salitang lumabas sa bibig ni Bongbong Marcos. Walang laman, pawang kasinungalingan, at punong-puno ng kahibangan ang bawat pahayag. Ibinida ni Marcos Jr. sa SONA 2025 ang higit na […]
Buhay sa kanayunan, pang “golden age” rin
Tawagin niyo na lang akong Ka Barry, 53, babae at may anim na anak na mga nasa tamang gulang na. Isa akong organisador. Matapos naming mag-pulong at tinalakay ang imbitasyon para mag “Tour of Duty“ sa kanayunan, tumugon ang aming sektor at isa ako sa nabigyan ng pagkakataon para sa isang exposure sa countryside. Oo, […]
78 na kadre at Pulang mandirigmang sadyang pinaslang, mga krimen sa digma at seryosong paglabag sa IHL
Sa araw ng ginugunita ang internasyunal na makataong batas (international humanitarian law o IHL), inilalabas ng Ang Bayan ang espesyal na ulat kaugnay sa mga krimen sa digma at malalalang paglabag ni Ferdinand Marcos Jr, katuwang ang kanyang mga upisyal sa depensa at Armed Forces of the Philippines, sa takbo ng pakikidigma nito sa Partido […]