Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Ipagdiwang ang Pandaigdigang Araw ng Kababaihan!
Ngayong ika-8 ng Marso, ipinagdiriwang ng buong rebolusyunaryong kilusan, sa pangunguna ng Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan (MAKIBAKA), ang Pandaigdigang Araw ng Kababaihang Anakpawis, isang panandang bato na nagsisimbolo sa kapasyahan ng kababaihan, sa partikular ng kababaihang anakpawis, na gapiin ang macho-pyudal at burges-dekadenteng pagtrato sa kababaihan. Sa mahigit 100 taong pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw […]
Ang Kababaihan ay Magigiting na Mandirigma ng Demokratikong Rebolusyong Bayan!
Sa nagdaang kasaysayan at maging sa kasalukuyan, ang rebolusyon ay hindi kailanman nauubusan ng kababaihan na nagpapatunay sa kanilang matibay na paninindigan at kapasyahan upang tugunan ang mga hamon sa pagsusulong ng digmang bayan. Sila ay mulat na humaharap sa kahirapan, sakripisyo at panganib upang magampanan at maipagtagumpay ang iba’t ibang gawain sa rebolusyonaryong kilusan […]
Hustisya para sa mga Biktima ng Bloody Sunday Massacre! Ipaglaban ang isang hustisyang nakabatay sa katarungan, kalayaan at demokrasya!
Ngayong ika-7 ng Marso, magkasabay na gunitain at kondenahin natin ang ikaapat na taon ng kawalang hustisya sa mga biktima ng Bloody Sunday Massacre (BSM)—isang karumaldumal na krimen na pataksil na isinagawa ng mga armadong pwersa ng rehimen ni Rodrigo Duterte. Pagpugayan natin bilang mga martir at bayani ng sambayanang nakikibaka sina Emmanuel Asuncion, lider […]
Panawagan sa ika-4 taon ng Bloody Sunday Massacre: Panagutin si Duterte, AFP at PNP!
Apat na taon na ang lumipas, nananatiling wala pa ring hustisya sa karumaldumal na Bloody Sunday Massacre na kumitil sa buhay ng siyam na aktibista at iligal na nagpiit sa anim na iba pa noong Marso 7, 2021. Hindi malilimutan ng bayan ang karumal-dumal na krimeng ito lalo’t malayang namamayagpag hanggang ngayon ang mga utak […]
Makiisa sa laban ng mga residente sa Aroroy upang singilin, panagutin at palayasin sa Masbate ang mapandambong at mapangwasak sa yaman, kabuhayan at kalikasan na Filminera Masbate Gold Project
Matagal ng nagtetengang-kawali ang reaksyunaryong gubyerno sa mga panawagan ng mga residente na itigil na ang operasyon ng Filminera Masbate Gold Project o Filminera Resource Corporation sa bayan ng Aroroy. Mula nang magsimula noong taong 2000 ang kontrata nito na 25-taong pagmina ng oro o ginto sa naturang bayan ay labis nang napinsala at winasak […]