Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Ang reaksyunaryong eleksyon ay hindi lunduyan ng ating pakikibaka! Rebolusyon ang tunay na solusyon!
Habang ang prinsipyo ng eleksyon ay balido at progresibo dahil binibigyan nito ng karapatan ang nakararami na bumoto ng kanilang magiging lider, pinasisinungalingan ng sistema at praktika ng eleksyon sa kasalukuyang lipunan ang demokratikong katangian nito. Ang eleksyon ay nagiging kasangkapan ng naghaharing uri upang gawing lehitimo ang kanilang kapangyarihan at kontrol sa burukrasya, hindi […]
4th IBPA, bigo na namang lipulin ang isang yunit ng NPA Mindoro
Bigo ang sumalakay na yunit ng 4th IBPA na ubusin ang inistrike na yunit ng LdGC NPA Mindoro sa Sitio Balugo, Barangay Budburan, Mansalay, Oriental Mindoro noong Pebrero 15. Magiting na lumaban ang mga Pulang mandirigma kaya’t nagawang pinsalain ang mga berdugo. Dalawang patay, kabilang ang kumander ng platun, at siyam ang sugatan sa hanay […]
Opensibang postura ng NAAC-NPA-Rizal, binibigo ang operasyon ng AFP-PNP
Binigwasan ng Narciso Antazo Aramil Command-NPA-Rizal ang pasistang tropa ng 80th IBPA kahapon, Pebrero 17, sa oras na alas-3 ng hapon sa Sityo Tayabasan, Barangay San Jose, Antipolo City. Isa ang tiyak na patay sa panig ng mersenaryong 80th IB habang ligtas na nakaatras ang mga Pulang mandirigma. Ang isinagawang TO kahapon ay pagpapamalas ng […]
Pahimakas sa eleksyong presidensyal sa 2028 at salpukan ng mga bulok na burukrata kapitalista
Higit na lumalalim ang pagkasuklam ng mamamayang Pilipino sa bulok na sistemang malakolonyal at malapyudal sa nasasaksihang sarswela sa pulitika at balyahan ng mga naghaharing uri kaugnay ng eleksyong mid-term sa Mayo. Sa panig ng mga Marcos, ang eleksyong 2025 ay ibayong pagkokonsolida ng kapangyarihan at paghahanda para higit pang palawigin ang pagkopo nito sa […]
NPA, itinuring na agresyong pangkaunlaran ang proyektong New City ni Marcos Jr.
“Walang bago. ‘Wag n’yong pasayawin ang taumbayan sa lumang sirang plaka,” ito ang reaksyon ng NPA-Quezon sa anunsyong ginawa noong nakaraang linggo ng Human Settlements and Urban Development na naghahanap ang gubyernong Marcos ng 70,000 ektaryang lupa sa lalawigan ng Quezon para magtayo ng bagong lungsod na makakabawas ng problema sa trapiko sa Kalakhang Maynila. […]