Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Rebolusyonaryong patakaran sa panahon ng reaksyunaryong eleksyon
January 21, 2025

Upisyal nang nagsimula ang panahon ng reaksyunaryong eleksyon sa bansa noong Enero 12. Magtatagisan at magsusuwagan dito ang mga kandidato para masungkit ang hindi bababa sa 18,000 pusisyon sa gubyerno at pakinabangan ang burukrata-kapitalistang sistema. Maggigitgitan dito ang malalaking warlord at mga dinastiya sa pulitika at sabay-sabay nilang yuyurakan ang kapakanan ng mamamayan. Gamit nila […]

Determinasyon ng mga komiteng panrehiyon na sumulong sa landas ng kilusang pagwawasto
January 21, 2025

Malinaw ang tugon ng iba’t ibang komiteng panrehiyon ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa kilusang pagwawasto na ipinanawagan ng Komite Sentral. Ipinahayag ng mga namumunong komite ang kanilang pagpupunyagi at patuloy na pagsisikap na iwasto ang mga naging kahinaan at pagkakamali sa nagdaang mga taon upang mapagpasyang makaabante […]

Ulos 2024, inilathala ng Armas
January 21, 2025

Inilabas ng Artista at Manunulat ng Sambayanan (Armas) ang Ulos, pangkulturang dyornal, para sa 2024 noong Enero 13, araw ng ika-38 anibersaryo ng grupo. Ang isyu ng Ulos ay uminog sa tema ng tuluy-tuloy na pagsusulong ng pambansa-demokratikong rebolusyon at pagpupunyagi ng Partido, hukbo at rebolusyonaryong masa sa balangkas ng kilusang pagwawasto. Laman ng isyu […]

Ika-56 na anibersaryo ng PKP, ipinagdiwang sa South Quezon Bondoc Peninsula
January 21, 2025

Simple, pero makabuluhan ang pagdiriwang ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Quezon (Apolonio Mendoza Command) sa ika-56 anibersaryo ng Partido Komunista ng Pilipinas. Inilunsad nila ang estilong kapehan na paggunita sa isang larangan sa South Quezon-Bondoc Peninsula (SQBP). Sa programa, pinarangalan ng yunit ang mga martir ng Quezon sa nakaraang taon. Nagbigay ng pahayag ng pakikiisa ang […]

Panggigipit sa mga kandidato ng Koalisyong Makabayan, tumitindi
January 21, 2025

Sa papalapit na halalang mid-term, tumitindi ang atake at panggigipit ng rehimeng Marcos at armadong pwersa nito laban sa mga kandidato at partido sa ilalim ng Koalisyong Makabayan. Noong Enero 15, humarap sa Office of the City Prosecutor of Manila ang mga kandidato pagkasenador ng Makabayan para maghain ng kontra-salaysay sa kasong iligal na asembleya […]