Ika-56 na anibersaryo ng PKP, ipinagdiwang sa South Quezon Bondoc Peninsula

,

Simple, pero makabuluhan ang pagdiriwang ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Quezon (Apolonio Mendoza Command) sa ika-56 anibersaryo ng Partido Komunista ng Pilipinas. Inilunsad nila ang estilong kapehan na paggunita sa isang larangan sa South Quezon-Bondoc Peninsula (SQBP).

Sa programa, pinarangalan ng yunit ang mga martir ng Quezon sa nakaraang taon. Nagbigay ng pahayag ng pakikiisa ang mga bisitang dumalo na nagmula sa mga alyadong samahan ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) kagaya ng Kabataang Makabayan at Artista at Manunulat ng Sambayanan.

Bago pa ang Kapehan ay nagbasa at nag-aral ang Pulang hukbo ng pahayag ng Komite Sentral at mensahe ng Kalihiman ng Komiteng Tagapagpaganap ng Komiteng Rehiyon ng Partido sa Southern Tagalog sa anibersaryo ng Partido. Pinagtibay ng mga pahayag at mensahe ang panawagang “Magwasto at Sumulong!” na siya ring tema ng Kapehan.

Parte rin ng selebrasyon ang pagsasalo-salo sa kaunting handang pagkain, bahaginan ng karanasan sa nagdaang taon, pagbuburda, pagdodrowing, kantahan at pagbabasa ng ilang librong Marxista-Leninista-Maoista.

Ika-56 na anibersaryo ng PKP, ipinagdiwang sa South Quezon Bondoc Peninsula