Ulos 2024, inilathala ng Armas

,

Inilabas ng Artista at Manunulat ng Sambayanan (Armas) ang Ulos, pangkulturang dyornal, para sa 2024 noong Enero 13, araw ng ika-38 anibersaryo ng grupo. Ang isyu ng Ulos ay uminog sa tema ng tuluy-tuloy na pagsusulong ng pambansa-demokratikong rebolusyon at pagpupunyagi ng Partido, hukbo at rebolusyonaryong masa sa balangkas ng kilusang pagwawasto.

Laman ng isyu ang mga sanaysay, tula, kwento, awit, dibuho at iba pang likhang-sining na naglalarawan sa mga sakripisyo at hinagpis sa buhay-at-kamatayang paglaban ng mga rebolusyonaryo. Inilalarawan sa mga pyesa nito ang bakal na pagkakaisa ng mga rebolusyonaryong pwersa sa masa at ang matiyagang paggagawaing masa para balikan ang naiwan at bumangon.

Ang isyu ng Ulos 2024 ay mayroong 150 pahina na naglalaman ng akdang nakasulat sa Pilipino, English, Iloko, Bisaya at Hiligaynon.

Maaaring kumuha ng kopya ng Ulos 2024 sa philippinerevolution.nu o humingi ng kopya mula sa e-mail na [email protected]. Umantabay lamang sa bagong anunsyo ng Armas at Ulos para sa pangangalap ng mga kontribusyon sa susunod na edisyon nito ngayong taon.

Ulos 2024, inilathala ng Armas