Tatlong martir ng Cagayan Valley, pinarangalan

,

Pinarangalan ng rebolusyonaryong kilusan ang tatlong Pulang mandirigma at kadre ng Partido sa Cagayan Valley na namartir noong Setyembre 11 sa Barangay Baliuag, Peñablanca, Cagayan. Kinilala sila na sina Ariel Arbitrario (Ka Karl), Danielle Marie Pelagio (Ka Seed) at Erin Sagsagat (Ka Jorly).

Si Ka Karl ay konsultant sa usapang pangkapayapaan ng NDFP. Tubong Davao City, ilang dekada siyang nagsilbi sa rebolusyonaryong kilusan sa Southern Mindanao bago nailipat sa komite ng Partido sa Cagayan Valley noong Agosto 2018, at malao’y italaga sa kalihiman nito.

Batay sa paunang impormasyon, hinihinalang isinailim sa matinding tortyur at interogasyon si Ka Karl hanggang sa tuluyang pinaslang. Inabot nang ilang araw pa bago ilitaw ang kanyang mga labi at pinahirapan ang kanyang mga anak na kunin ang mga ito.

Si Ka Seed, 22, ay nagmula sa Maynila at dating mag-aaral ng PUP. Si Ka Jorly, na sumampa sa BHB noong 1980, ay mula sa uring maralitang magsasaka na tubong Zinundungan Valley sa Rizal, Cagayan.

Tatlong martir ng Cagayan Valley, pinarangalan