Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Pahayag ng Kabataang Makabayan-Datako para sa ika-59 taong anibersaryo nito
Totoong hanggang bungantulog lamang ng kontra-rebolusyonaryong pasistang estado ang ambisyong pangkapayaan nito kung mananatiling bigo itong ugatin ang malawakang paghihirap at ang paglaban ng sambayanan. Hindi ang walang-saysay na paggawad ng amnestiya o ang mga hungkag na pangakong pakikipagkasundo ng reaksyunaryong gubyerno ang dudurog sa rebolusyong Pilipino kung magpasahanggang ngayon ay nakayukod ito sa kanyang […]
Sa ika-59 anibersaryo ng Kabataang Makabayan, palagablabin ang apoy ng digmang bayan sa puso ng mga kabataan at mamamayan!
Mataas ang diwang bumabati ang balangay ng mga rebolusyonaryong kabataan sa probinsya ng Laguna sa ika-59 na anibersaryo ng ating pinakamamahal na organisasyon ng Kabataang Makabayan. Mahaba na ang liko-likong landas na tinahak ng ating dakilang organisasyon. Ang KM ang isa sa mga unang organisasyon ng mga kabataan na bumasag sa katahimikan noong 1960s laban […]
Alok na amnestiya ng GRP, hudyat ng mas marahas na panunupil at gera laban sa mamamayan
Dapat ilantad at kundenahin ang hungkag na “amnestiya” na iniaalok ng ilehitimong rehimeng US-Marcos II para sa mga diumanong “kasapi ng CPP-NPA-NDFP at mga prente nitong organisasyon”. Ito ay pailalim na pang-aatake sa karapatang tao at tahasang panlilinlang sa mamamayan. Ipinatutupad ang nasabing pakana sa pamamagitan ng Proclamation 404 ni Ferdinand Marcos Jr na pinirmahan […]
Ka Tagub/Roche at Ka Teng/NY/MC, karangalan kayo ng mga Hanunuo at mga katutubong Mangyan, mga bagong bayani ng Mindoro at sambayanan!
Kami, ang mga kasapi ng MINDORO (rebolusyonaryong organisasyon ng mga katutubong Mangyan sa Mindoro) ay nakikiramay sa pamilya at kamag-anak nina Ka Tagub/Roche at Ka Teng/NY/MC. Sila ang mga tunay na mártir at bayani ng Hanunuo Mangyan na inialay ang kanilang kaisa-isang buhay upang ipaglaban ang lupaing ninuno at karapatan sa pagpapasya sa sarili ng […]
Pinakamataas na pagpupugay kay ka Laura! Artista't manunulat ng sambayanan, magiting na mandirigma at dakilang guro ng Hukbong Bayan sa Timog Katagalugan!
Sa okasyong ito ng ika-160 na kaarawan ng dakilang bayaning Gat. Andres Bonifacio at araw ng kabataang Pilipino, ibinibigay ng Partido Komunista ng Pilipinas at Melito Glor Command – New People’s Army sa rehiyong Timog Katagalugan sampu ng mga rebolusyonaryong organisasyon ng mamamayan ang pinakamataas na pagpupugay at parangal kay Ka Laura/Esang/Tintin at kilala din […]