Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Suportahan ang Oslo Joint Statement para muling buksan ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng GRP at NDFP
November 30, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Revolutionary Council of Trade Unions-Southern Tagalog | Fortunato Magtanggol | Spokesperson |

Ikinagagalak ng buong Revolutionary Council of Trade Unions (RCTU-NDF-ST) at ng buong masang manggagawa sa Timog Katagalugan ang Oslo Joint Statement para muling buksan ang peace talks sa pagitan ng GRP at NDFP. Ang Oslo Joint Statement ay nilagdaan ng Negotiating Panel ng NDFP at ng GRP noong Nobyembre 23, 2023 sa Oslo, Norway. Produkto […]

Masang anakpawis, ipagpatuloy at pag-alabin ang rebolusyong sinimulan ni Bonifacio!
November 30, 2023 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Palawan (Bienvenido Vallever Command) | Andrei Bon Guerrero | Spokesperson |

Sa paggunita ng ika-160 taong kapanganakan ng magiting na bayani ng masang anakpawis at isa sa mga tunay na anak ng bayan na si Gat Andres Bonifacio, muli nating sariwain ang diwa ng kanyang pagmamahal sa bayan at sa kanyang adhikain para sa pambansang kalayaan at demokrasya. Karugtong ng dakilang rebolusyong 1896 nina Bonifacio ang […]

KKK at NPA: Ang kabataan bilang tagapagmana at tagapagpatuloy ng rebolusyong Pilipino
November 30, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Batangas | Kabataang Makabayan-Batangas | Edrian Hernandez | Spokesperson |

Ngayong ika-59 anibersaryo ng Kabataang Makabayan at ika-160 kaarawan ng dakilang rebolusyonaryong bayani at kabataan na si Gat Andres Bonifacio, halina’t pag-aralan ang natatanging tungkulin at ambag ng mga kabataan sa pagsusulong ng armadong rebolusyon para sa pagpapalaya ng bayan! 127 taon na ang nakararaan, inihudyat ng mga katagang “Punitin ang sedula!” ang pagsisimula ng […]

Mensahe ni Comrade Kathryn sa Kabataang Makabayan
November 30, 2023 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Comrade Kathryn |

Mainit na rebolusyonaryong pagbati sa mga kabataang kasapi ng Kabataang Makabayan sa Timog Katagalugan! Pagpupugay sa ika-59 na anibersaryo ng Kabataang Makabayan! ▽ DOWNLOAD Kaisa ninyo kami sa Melito Glor Command-NPA Southern Tagalog sa pagdiriwang sa tuluy-tuloy at hindi napapatid na pagsusulong ng rebolusyon ng mga kabataan sa bawat henerasyong lumipas. Napakamakabuluhang okasyon ang pagsapit […]

Pahayag ng Kaguma kaugnay ng Oslo Joint Statement
November 29, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | Katipunan ng mga Gurong Makabayan (Kaguma) |

“Ang daan patungo sa isang makatarungan at pangmatagalang kapayapaan ay mahaba at paliko-liko…ngunit kailangan nating tahakin ang landas na ito para na rin sa kapakanan ng mga mamamayan.” Ito ang mga paunang salita ni NDFP Consultant Luis Jalandoni pagkatapos lagdaan ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at mga upisyal na sugo ng Gubyemo […]