Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Ang multibilyong mga sikretong pondo
Laman ng balita sa nagdaang mga linggo ang “confidential and intelligence funds” (CIF) para kay Ferdinand Marcos Jr, Sara Duterte at 22 pang ahensya ng estado sa susunod na taon. Makatatanggap si Marcos ng ₱4.85 bilyon na CIF, habang si Sara Duterte ay makakakopo ng ₱650 milyon. Matatandaang lantarang ang pangungurakot ng rehimeng Marcos Jr […]
Pagtalikod ng estado sa kabataan: Kaltas-badyet sa edukasyon
Malinaw na wala sa prayoridad ng reaksyunaryong gubyerno ni Ferdinand Marcos Jr ang kinabukasan ng kabataang Pilipino. Sa kabila ng 9.5% na paglaki ng pondo sa panukalang pambansang badyet para sa 2024, kinaltasan ng 5.8% ang badyet ng mga pampublikong unibersidad at kolehiyo (state universities and colleges o SUC). Mula sa maliit na ₱107 bilyon […]
Aktibistang organisador, dinukot sa Negros; kasamang drayber natagpuang patay
Dinukot ng mga ahente ng estado si Bea Lopez, organisador ng magsasaka, at ang drayber ng sinakyan niyang traysikel na si Peter Agravante sa Sipalay City, Negros Occidental noong Setyembre 15. Ayon sa mga ulat, bumibyahe papuntang Barangay Gil Montilla ang dalawa nang hinarang at sapilitan silang isinakay ng armadong kalalakihan sa isang puting van. […]
Oplan Pinta, tugon ng kabataan sa militarisasyon sa Sorsogon
Para ipakita ang galit ng mamamayan sa patuloy na pasistang mga pag-abuso ng 31st IB sa mga barangay ng Donsol, Sorsogon, naglunsad ang mga kabataan ng “oplan pinta” sa kahabaan ng mga kalsada tungo sa sentro ng Donsol. Ilan sa matatapang na salitang ipininta ng kabataan ang “31st IB, layas! Mamamatay-tao!”, “AFP Terorista!”,”Oust Marcos Jr!”. […]
Jhed at Jonila: Mukha ng pekeng pagpapasuko
Supalpal ang NTF-Elcac sa sariling nitong press conference noong Setyembre 19 nang matapang na ibunyag nina Jhed Tamano at Jonila Castro ang pagdukot, detensyon, pagbabanta at pagpilit sa kanila ng militar para maging mga “surrenderi.” Dinukot sina Tamano at Castro, dalawang aktibistang maka-kalikasan, sa Orion, Bataan noong September 2. Ayon sa mga nakasaksi, nagpumiglas ang […]