Oplan Pinta, tugon ng kabataan sa militarisasyon sa Sorsogon

,
Ang artikulong ito ay may salin sa English

Para ipakita ang galit ng mamamayan sa patuloy na pasistang mga pag-abuso ng 31st IB sa mga barangay ng Donsol, Sorsogon, naglunsad ang mga kabataan ng “oplan pinta” sa kahabaan ng mga kalsada tungo sa sentro ng Donsol.

Ilan sa matatapang na salitang ipininta ng kabataan ang “31st IB, layas! Mamamatay-tao!”, “AFP Terorista!”,”Oust Marcos Jr!”. Pagbibigay-boses ito sa mamamayan ng Donsol na tumatakwil sa operasyong panghahalihaw ng mga pasistang tropa ng militar sa kanilang bayan.

Ayon sa kabataan, tugon nila ito sa pagpapaulan ng bala ng dalawang elemento ng 31st IB noong Agosto 4 sa bahay ni Kapitan Erwin Vista ng Barangay Alin na siya ring presidente ng Association of Barangay Captains (ABC). Matatandaang naglunsad ng operasyon RCSP ang mga sundalo sa naturang barangay noong Agosto.

Maliban sa mga operasyong kombat sa bayan ng Donsol, naglulunsad din ng “Retooled Community Support Program” o RCSP sa Barangay Migabod at Barangay Catamlangan sa bayan ng Pilar.

Oplan Pinta, tugon ng kabataan sa militarisasyon sa Sorsogon