Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Mag-alsa laban sa Mina! Manindigan para sa Kalikasan, Kabuhayan at Karapatan! Tutulan ang dayuhang pandarambong sa lalawigan!
Sa pagdeklara ng estado at naghaharing uri sa lalawigan ng Batangas bilang ‘the next global economic hub,’ hindi grasya bagkus disgrasya ang nakaambang bumaha at bumuhos para sa sambayanang Batangenyo. Kaliwa’t kanan ang byahe patungong ibang bansa ng gubernador ng lalawigan na si Hermilando Mandanas upang ilako ang likas yaman at oportunidad para sa dayong […]
Sumasahol ang klima ng impyunidad sa ilalim ng rehimeng US-Marcos Jr.
Nakikiisa ang LUMABAN-Bikol sa pagkundena sa pagbasura ng Ombudsman sa ilang mga kasong isinampa ng mga biktima ng red-tagging laban sa mga notoryosong utak-pulburang sina retiradong Lt. Col. Antonio Parlade Jr., Lorraine Badoy at iba pang upisyal ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC). Depensa ng Ombudsman, walang batas na nagbabawal […]
Hindi dapat tumigil sa pagtuligsa ang masang Masbatenyo para tuluyang maurong ang planong pagbomba sa kabundukan ng Masbate
Kahanga-hanga ang ipinamalas na kapangahasan ng mga residente at mga upisyal ng barangay sa mga bayan ng Milagros, Uson at Mobo na hindi nagpatinag sa pambabanta ng militar upang pumayag na bombahin ang bundok ng Bagulayag at Uac. Sa halip, nagsikap silang pangibabawan ang kanilang takot at iniulat sa kinauukulan ang planong pagwasak sa kanilang […]
May basbas ng rehimeng US-Marcos ang tangkang pagbomba sa ilang kritikal na kabundukan ng Masbate
Nakaamba ang malawakang pagwasak sa Masbate sa pakana ng AFP-PNP-CAFGU na bombahin mula sa himpapawid ang ilang kritikal na kabundukan sa prubinsya. Pinakautak ng pakanang ito ay ang rehimeng US-Marcos Jr sa bago nitong patakaran sa pambansang seguridad o National Security Policy na nagdidiin sa malawakang pambubomba sa himpapawid bilang bahagi ng pinatinding pagsupil sa […]
Teroristang AFP nanganyon sa Lambunao, Iloilo
Muling naghasik ng terorismo ang mga tropa ng 82nd IB at 12th IB sa ilalim ng 301st Brigade ng 3rd Infantry Division sa baryo ng Cabatangan, Lambunao, Iloilo noong Setyembre 15, 2023. Sa loob ng dalawang oras, mula alas-7 hanggang alas-9 ng umaga, 11 beses na nagpaputok ng Howitzer cannon ang militar na bumagsak sa […]