Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Tatlo, iligal na inaresto
Tatlong inidbidwal ang inaresto ng mga pwersa ng estado sa gawa-gawang mga kaso noong Hulyo 12 sa Quezon at Romblon. Samantala, naitala naman sa Negros at Leyte ang panggigipit sa samahan ng mga magsasaka at lokal na midya sa nagdaang linggo. Dalawang aktibista ang inaresto ng 85th IB sa kasong illegal possession of firearms and […]
Demolisyon sa Valenzuela at Cavite, tinutulan
Dalawang operasyong demolisyon ang nilabanan ng mga komunidad ng maralita nitong buwan. Sa Barangay Veinte Reales sa Valenzuela, ipinagtanggol ng mga residente ng Block 6 ang kanilang barikada noong Hulyo 12 laban sa marahas na demolisyon ng pinagsanib na pwersa ng PNP at lokal na gubyerno ng Valenzuela sa mahigit-kumulang 400 kabahayan sa lugar. Sugatan […]
6, arbitraryong tinaguriang "terorista"
Nagprotesta noong Hulyo 11 sa Commission on Human Rights ang iba’t ibang organisasyon upang kundenahin ang arbitraryong pagtaguring ng Anti-Terrorism Council (ATC) sa anim na indibidwal bilang mga “terorista” sa ilalim ng Anti-Terrorism Law (ATL). Iginiit nilang ibasura na ang mapaniil na batas. Ang anim ay sina Windel Bolinget, Sarah Abellon-Alikes, Jen Awingan, at Steve […]
Pilipinas, suki ng kriminal na kumpanyang Elbit System
Bilyun-bilyong pisong pera ng sambayanang Pilipino ang nakopo ng Elbit Systems, isang kumpanyang Israeli, na isa sa pangunahing suplayer ng armas para sa diumano’y “modernisasyon” ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Pinakahuli dito ang dalawang lumang ATR 72-600, mga eroplanong komersyal na kukumpunihin para magamit sa mga operasyong sarbeylans at kombat. Nagkakahalaga ang kontrata […]
Ekspansyon ng mapaminsalang pagmimina sa Masbate
Muling ibinubwelo ng Filminera Resources Corporation (FRC) ang ekspansyon ng mga operasyong pagmimina nito sa bulubunduking bahagi sa mga bayan ng Milagros, Uson at Mobo sa Masbate. Sasaklawin ng kumpanya ang naturang mga bayan matapos dambungin ang ginto at wasakin ng Masbate Gold Project nito ang kalikasan sa bayan ng Aroroy. Kaakibat ng ekspansyon ang […]