Demolisyon sa Valenzuela at Cavite, tinutulan

,
Ang artikulong ito ay may salin sa English

Dalawang operasyong demolisyon ang nilabanan ng mga komunidad ng maralita nitong buwan.

Sa Barangay Veinte Reales sa Valenzuela, ipinagtanggol ng mga residente ng Block 6 ang kanilang barikada noong Hulyo 12 laban sa marahas na demolisyon ng pinagsanib na pwersa ng PNP at lokal na gubyerno ng Valenzuela sa mahigit-kumulang 400 kabahayan sa lugar. Sugatan ang ilang residente at kanilang mga tagasuporta sa sagupaan.

Iligal at walang anumang dokumentong bitbit ang demolition team na gumiba sa kanilang mga bahay. Ayon sa mga residente, nakabimbin pa ang pagdinig upang imbestigahan ang batayan ng pagpapaalis sa kanila sa lugar kung saan 25 taon na silang naninirahan. Sa buong panahong ito, nanatiling bingi ang lokal na gubyerno ng Valenzuela sa kanilang hiling na ayusin ang kanilang sitwasyon. Walang nakahandang relokasyon para sa mga nademolis at hanggang ₱9,000 lamang ang kanilang matatanggap na kumpensasyon kung aalis sila sa lugar.

Samantala, nagsagawa ng protest-vigil ang 700 residente ng Viva Homes Subdivision sa Dasmariñas City, Cavite noong Hulyo 16. Nanganganib silang mapalayas dahil sa alitan ng tatlong kontraktor ng naturang subdibisyon.

Demolisyon sa Valenzuela at Cavite, tinutulan