Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Presyo ng langis, muling tumaas
Nagprotesta ang mga tsuper noong Hulyo 17, isang linggo bago ang State of the National Address ni Ferdinand Marcos Jr, para kundenahin ang isa na namang serye ng pagtaas ng presyo ng langis. Naganap ang pagtaas sa gitna ng “rebranding” o pagpapanibagong imahe ng rehimen sa ilalim ng islogang “Bagong Pilipinas.” Simula Hulyo 18, mas […]
Operasyong haras at demolisyon, inilunsad ng BHB
Magkakasunod na operasyong harasment at demolisyon ang inilunsad ng mga yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa nakaraang dalawang linggo. Sa Barangay Das-agan, San Francisco, Agusan del Sur noong Hunyo 27, pinaputukan ng mga Pulang mandirigma ang nag-ooperasyong tropa ng 41st Division Reconnaissance Company bandang alas-4:30 ng hapon. Isang sundalo ang napatay sa naturang operasyon. […]
Tusong pagsabatas sa Maharlika Bill, binatikos
Nagtungo sa Mendiola sa harap ng Malacañang ang mga grupo ng kabataan para kundenahin si Ferdinand Marcos Jr sa kanyang tusong pagpirma sa panukalang magbubuo ng Maharlika Investment Fund noong Hulyo 18. Nagsagawa ng hiwalay na protesta ang mga magsasaka sa Quezon City. Walang isinapublikong kopya ang Malacañang sa pinal na bersyon ng panukala, na […]
Mga protesta
Itigil ang pambobomba. Nagprotesta sa harap ng Camp Aguinaldo sa Quezon City noong Hulyo 17 ang mga grupo ng karapatang-tao, magsasaka at pambansang minorya para kundenahin at ipatigil ang pamboboma mula sa ere sa kanilang mga komunidad. Ang gayong mga pambobomba ay bahagi ng militarisasyon sa kanayunan na nagpapalala sa kalagayan ng mga magsasaka […]
Jeepney phaseout, patuloy na isinasagasa ni Marcos
Hindi “ipinagpaliban”, bagkus ay lalo pang iniratsada ng gubyernong Marcos ang pakanang jeepney phaseout. Sa kabila ito ng pahayag ni Marcos Jr na rerepasuhin ang programa, na binitawan niya matapos ang welga sa transportasyon noong Mayo. Wala ring nangyari sa pangako niyang kokonsultahin ang mga drayber at opereytor, at sa halip, tinarget sila ng panggigipit […]