Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Ang pagsamsam ng 14 na baril sa lasing na mga sundalo sa Eastern Samar
Noong Oktubre 7, 2022, 14 na armas ang nasamsam ng mga Pulang mandirigma matapos salakayin at lubusang gapiin ang mga sundalo ng 52nd IB at mga pulis na nagkakampo sa Barangay Dorillo, Jipapad, Eastern Samar. Matagal nang inirereklamo ng mga residente ang presensya ng mga sundalo at pulis sa ilalim ng Retooled Community Support Program […]
Mga komunidad sa Kalinga at Bukidnon, kinanyon at binomba ng AFP
Magkakasunod na kaso ng panganganyon, aerial bombing at istraping ang isinagawa ng mga yunit ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga prubinsya ng Kalinga sa Northern Luzo at Bukidnon sa North Central Mindanao sa nagdaang mga linggo. Labis na takot at troma ang idinulot nito sa mga residente ng kalapit na mga komunidad. […]
Mga protesta
Protesta sa Batangas. Nagtungo ang mga manggagawa at maliliit na magsasaka ng katubuhan na apektado sa pagsasara ng Central Azucarera de Don Pedro Inc (CADPI) sa Batangas sa harap ng upisina ng kumpanya sa Taguig noong Marso 17. Giit nila ang agarang tulong pinansyal. Kontra-dam sa Kalinga. Sinabayan ng pagkilos ng mga katutubong mamamayan […]
Sigaw sa Araw ng Kababaihan
Sa Araw ng Kababaihang Anakpawis noong Marso 8, nagmartsa sa iba’t ibang syudad ang libu-libong kababaihan, kasama ang ibang demokratikong sektor. Panawagan nila ang dagdag-sahod at pagbaba ng mga presyo ng mga bilihin, kasama ang iba pang mga kagyat na usaping panlipunan tulad ng reporma sa lupa. Sa Metro Manila, nagdaos ng programa ang kababaihan […]
Pakikibakang manggagawa, sumusulong
Sunud-sunod na welga, protesta at sama-samang pagkilos ang ikinasa ng mga unyon at grupo sa paggawa sa nagdaang mga linggo. Itinampok nito ang pakikibaka nila para sa nakabubuhay na sahod, disenteng trabaho at karapatan sa pag-uunyon. Nakamit ng unyon sa restawran na Kowloon West sa Quezon City ang dagdag sahod, mga benepisyo at regularisasyon ng […]