Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Planong ehersisyong militar ng US at Pilipinas sa Ilocos, binatikos
Kinundena ng National Democratic Front-Ilocos ang planong paglulunsad ng ika-38 Balikatan Exercises ng mga sundalong Pilipino at Amerikano sa Ilocos Norte sa darating na Abril 24-27. Nakatakda itong lahukan ng 16,000 mga sundalo, ayon sa paunang mga balita. Ayon sa NDF-Ilocos, ikalawang ehersisyong militar na itong ilulunsad sa Ilocos Norte. Naunang isinagawa ang pinagsanib na […]
Pagdiriwang at pagsasanay ng BHB, inilunsad sa Western Samar
Sa kabila ng pasistang mga atake ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at nakapokus na operasyong militar sa mga bayan ng Samar, patuloy na nakapagpupunyagi ang mga yunit ng hukbong bayan sa prubinsya. Nakapaglunsad ang BHB ng mga pagdiriwang at iba pang aktibidad noong huling kwarto ng 2022. Noong Disyembre 25, 2022, nagsama-sama ang […]
Mamamayan ng Sta. Elena dinahas ng AFP
Sa Camarines Norte, pinasok ng 7 armadong kalalakihan na pinaghihinalaang mga ahente ng estado ang bahay ni Tino Manalo noong Pebrero 4. Residente si Manalo ng Barangay Don Tomas, Sta. Elena at hinahanap umano sa kanya ang mga pinatagong kagamitan ng NPA. Kaugnay pa, sa parehong lugar, pinuntahan din ng tatlong hindi kilalang kalalakihan ang […]
Paglago ng GDP, “malayo sa sikmura”
Hindi ramdam ng mamamayan, laluna ng mahihirap, ang ipinagmamalaki ni Ferdinand Marcos Jr na 7.6% na paglago noong 2022 ng gross domestic product (GDP o lokal na produksyon) ng Pilipinas. Ayon sa grupong Kadamay, “malayo sa sikmura” ng maralitang Pilipino ang ipinagdiriwang na “pag-unlad” ni Marcos Jr. Hindi sila umaasang matutugunan ng “byaherong pangulo” ang […]
NDFP consultant at 4 pa, di makatarungang inaresto
Di makatarungang inaresto ng mga sundalo at pwersa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang konsultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) para sa usapang pangkapayapaan na si Ruben Saluta, 75, at kanyang asawa at kapwa rebolusyonaryong si Presentacion Cordon Saluta, 63, kasama si Yvonne Losaria sa kanilang tinutuluyang bahay sa Doña […]