Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Nagtataasang presyo ng pagkain, batayang serbisyo
January 21, 2023

Magkasabay na delubyo ng sumisirit na presyo ng batayang mga bilihin at serbisyong panlipunan at walang tigil na pag-ulan at pagbaha ang sumalubong sa mamamayang Pilipino sa pagpasok ng 2023. Sa harap nito, walang solusyon ang rehimeng Marcos sa tumitinding krisis sa kabuhayan liban sa pakitang-taong mga hakbang. Nagtataasang presyo ng pagkain Nananatiling nakapako sa […]

Naval Station Carlito Cunanan: base militar ng US sa Palawan
January 21, 2023

Ang Naval Station Carlito Cunanan (NSCC) ay isa sa dalawang base militar ng US sa Palawan sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement ng US at Pilipinas. Itinayo ito sa ilalim ng rehimeng Aquino II bilang bahagi ng pagtitiyak ng US sa kontrol sa karagatan ng Indo-Pacific. Parte ito ng tinatawag na “first island chain” […]

Paggamit ng US sa Pilipinas sa paghahanda sa gera kontra China
January 21, 2023

Tahasang nilalapastangan ng gubyernong Biden ng US ang kasarinlan ng Pilipinas sa ginagawa nitong paghahanda ng “teatro ng gera” laban sa karibal nitong imperyalistang China. Kasama ang Japan, South Korea, Singapore at iba pang bansa sa tinagurian nitong “first-island chain” o kawing ng mga islang pinakamalapit sa China, ang Pilipinas ngayon ay pinupwestuhan ng US […]

Aerial bombing sa komunidad ng mga katutubo sa India, kinundena ng CPI (Maoist)
January 21, 2023

Kinundena ng Communist Party of India (Maoist) ang brutal at desperadong pambobomba ng mga armadong pwersa ng gubyerno ng India sa hindi bababa sa siyam na komunidad sa bahaging South Bastar sa hangganan ng Chhattisgarh-Telangana noong Enero 11 ng umaga. Anang grupo, nagsimula sa alas-11 ng umaga ang walang-awat na paghuhulog ng mga bomba sa […]

Presensya ng US sa Cagayan, itinatakwil
January 21, 2023

Itinatakwil ng mamamayan sa Cagayan Valley ang napipintong pagtransporma ng mga kampo militar ng AFP tungong mga pasilidad ng militar ng US, alinsunod sa pagdadagdag ng lima pang lokal na kampo ng US sa ilalim ng tagibang na Enhanced Defense Cooperation Agreement. Gagamitin ng US ang mga pasilidad na ito bilang permanenteng base ng gamit-militar […]