Presensya ng US sa Cagayan, itinatakwil
Itinatakwil ng mamamayan sa Cagayan Valley ang napipintong pagtransporma ng mga kampo militar ng AFP tungong mga pasilidad ng militar ng US, alinsunod sa pagdadagdag ng lima pang lokal na kampo ng US sa ilalim ng tagibang na Enhanced Defense Cooperation Agreement. Gagamitin ng US ang mga pasilidad na ito bilang permanenteng base ng gamit-militar at tropang Amerikano.
Sa taya ng National Democratic Front of the Philippines-Cagayan, ipagagamit ng papet na rehimeng Marcos sa mga pwersa ng US ang mga kampo militar ng AFP sa Sta. Ana at Lal-lo. Isa pa ang 50-ektaryang lupang inaagaw ngayon ng AFP mula sa mga magsasaka sa Divilacan, Isabela.
Presensya ng US sa Cagayan, itinatakwil