Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Pampartidong pag-aaral, inilunsad sa eryang ekspansyon sa NCMR
Mapangahas at determinadong inilunsad ng isang yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa isa sa mga eryang ekspansyon sa North Central Mindanao Region (NCMR) ang pag-aaral sa Batayang Kurso ng Partido (BKP) noong huling kwarto ng 2022. Sa kabila ng iba’t ibang hamon, matagumpay na nakapagtapos sa pag-aaral ang 17 mga mandirigma ng BHB. Nagsimula […]
Ka Elay, huwarang babaeng kadre at mandirigma
Pinarangalan ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Pilipinas si Helenita Parladis, 65, isa sa namumunong kadre ng Partido na napaslang noong nakaraang taon. Kilala siya ng masa at mga kasama sa Bicol at Samar bilang si Ka Ning, Ka Eliz, Ka Celine at Ka Elay. Kabilang siya sa daan-daang kababaihang kadre ng Partido na […]
Mga protesta
Ipagtanggol ang mga tagapagtanggol. Binati ng mga demokratikong organisasyon at tagasuporta ang 10 tagapagtanggol ng karapatang-tao, taong simbahan at lider-masa sa Quezon City noong Enero 9 matapos ibasura ng korte ang kasong perjury na isinampa laban sa kanila ni Gen. Hermogenes Esperon. Ipagtanggol ang karapatang mag-organisa. Nagpiket ang mga myembro ng Migrante at Kilusang […]
Mula kwarantina tungong kanayunan
Ang sumusunod ay kwento ng isang myembro ng Kabataang Makabayan na nakiisa sa pagdiriwang ng Partido sa ika-54 anibersaryo nito sa isa sa mga larangang gerilya ng hukbong bayan. Pagtapos ng Pasko, agad akong naghanda ng mga gamit na kinakailangan para sa aming pagbisita. Pinangingibabawan ng pananabik ang aking kaba sa mga bagay na di […]
Pang-aabuso sa karapatang-tao, iigting sa patuloy na girian ng mga heneral
Iigting ang mga pang-aabuso sa karapatang-tao habang nagpapatuloy ang girian ng mga heneral sa ilalim ng tambalang Marcos-Duterte. Nagsimula ang mga giriang ito noong kalagitnaan ng 2022 at sumambulat sa unang mga araw ng 2023. Ang mga “bangayan” na ito ay sumasalamin sa malalim na kontradiksyon sa hanay ng magkaka-alyadong dinastiya sa pulitika at pangkatin […]