Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Ang WESCOM, AFP-PNP at tropang US ang naghahasik ng terorismo sa Palawan
December 31, 2022 |

Hangga’t nananatili ang WESCOM at ang base militar ng US sa lalawigan, hindi natatapos ang pasismo- terorismong inihahasik nila sa Palawan. Ito ang tugon ng Bienvenido Vallever Command-NPA Palawan sa pinakahuling kasinungalingang ibinulalas ng AFP Western Command (WESCOM) at Palawan PTF-ELCAC na terrorist-free na umano ang lalawigan matapos umano nilang manyutralisa ang signipikanteng bilang ng […]

BHB at NDF-Palawan, nagbigay-pugay sa kadakilaan ni Ka Joma
December 31, 2022 |

Pinakamataas na pagpupugay ang iginawad ng National Democratic Front-Palawan at yunit ng Bienvenido Vallever Command-BHB Palawan sa dakilang lider- komunista at gabay ng rebolusyong Pilipinong si Jose Maria “Ka Joma” Sison. Pumanaw si Ka Joma noong Disyembre 16 sa Utrecht, The Netherlands sa edad na 83. Sa isang pahayag na inilabas ng NDF at BHB […]

Kolonyal na pagsasanay na Ph-US Kamandag 2022, inilunsad
December 31, 2022 |

Inilunsad noong Oktubre 3-13 ang pang-anim na pagsasanay- militar sa pagitan ng mga tropa ng US at Pilipinas sa Palawan ngayong taon, ang Kaagapay ng Mandirigma ng Dagat (KAMANDAG) Operations sa Puerto Princesa City. Inilunsad sa Brgy. Inagawan Sub ang pagsasanay sa pagpapatakbo ng unmanned aerial system habang sa Brgy. Kamuning naman inilugar ang pagsasanay […]

Mahigit 7000 Palaweño, apektado ng bagyong Paeng
December 31, 2022 |

Hinagupit ng Bagyong Paeng ang mga Palaweño mula Oktubre 28-30 na nagdulot ng malawakang pagbaha sa Hilagang Palawan. Aabot sa 5,872 indibidwal o 1,699 pamilya ang nagbakwit sa 95 evacuation center sa probinsya. Nasa 46 bahay ang nawasak, 290 naman ang nasira, 62 bangkang motor ang nawasak at 157 nasiraan. Samantala, may 227 mga pasahero […]

Manggagawang Palaweño magkaisa, ipaglaban ang disente at nakabubuhay na sahod
December 31, 2022 |

Patuloy ang pagsirit ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo habang nakapako ang sahod ng mga manggagawa. Kung mayroon mang pagtaas sa sahod kakarampot ito at ni hindi makahabol sa patuloy na pagtaas ng implasyon na nagpapalobo sa gastusin sa pang-araw-araw na pangangailangan ng pamilya ng mga manggagawa. Kaya ang laban para itaas ang […]