Mahigit 7000 Palaweño, apektado ng bagyong Paeng

Hinagupit ng Bagyong Paeng ang mga Palaweño mula Oktubre 28-30 na nagdulot ng malawakang pagbaha sa Hilagang Palawan. Aabot sa 5,872 indibidwal o 1,699 pamilya ang nagbakwit sa 95 evacuation center sa probinsya. Nasa 46 bahay ang nawasak, 290 naman ang nasira, 62 bangkang motor ang nawasak at 157 nasiraan. Samantala, may 227 mga pasahero naman ang naistranded sa bayan ng Coron mula Oktubre 28.

Mahigit 7000 Palaweño, apektado ng bagyong Paeng