Kolonyal na pagsasanay na Ph-US Kamandag 2022, inilunsad
Inilunsad noong Oktubre 3-13 ang pang-anim na pagsasanay- militar sa pagitan ng mga tropa ng US at Pilipinas sa Palawan ngayong taon, ang Kaagapay ng Mandirigma ng Dagat (KAMANDAG) Operations sa Puerto Princesa City. Inilunsad sa Brgy. Inagawan Sub ang pagsasanay sa pagpapatakbo ng unmanned aerial system habang sa Brgy. Kamuning naman inilugar ang pagsasanay sa small boat operation.
Ang KAMANDAG Exercises ay anim na taon nang isinasagawa sa bansa sa pagitan ng papet na AFP at tropang US. Naglalayon umano itong maipakita ang kakayahan ng bawat sundalo para sa natatanging mga kaalaman at abilidad, hindi lang sa taktikal na operasyon, ispesyal na operasyon kundi maging sa combined o pinagsanib na interoperabilidad kalangkap ang maritime awareness at depensang kostal.
Samantala, inilunsad naman nitong huling linggo ng Setyembre ang unilateral na pagsasanay na Pagsisikap 2022 ng Naval Forces West (NAVFORWEST) sa Brgy. Samariñana, Brooke’s Point. Isa itong taunang unilateral na pagsasanay ng Philippine Navy na may tutok umano sa kakayahang maglunsad ng amphibious operation.