Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Bantay Karapatan: Kabataang Mangyan, dinakip at pinalabas na sukong BHB
November 30, 2022 |

Iligal na inaresto at bininbin ng AFP at PNP MIMAROPA si Raffy “Pingping” Bago, 19, noong Nobyembre 9 sa Brgy. Bonbon, Mansalay, Oriental Mindoro. Si Pingping ay isang estudyante at kabataang Mangyan. Papunta sa koprasan si Pingping nang makasalubong ang nag-ooperasyong AFP at PNP MIMAROPA. Dinakip siya at bininbin maghapon. Sa proseso, ininteroga siya at […]

Bantay Karapatan: Pang-aatake sa mga aktibista, nagpapatuloy
November 30, 2022 |

Isang pari at isang aktibistang pangkalikasan ang naalarma sa mga pagbabanta sa kanilang buhay ng mga pwersang panseguridad ng estado. Pinuntahan si Rev. Edwin Egar, pastor ng United Church of Christ in the Philippines at Interim officer ng Karapatan Timog Katagalugan, ng mga elemento ng 59th IBPA sa kanyang tinutuluyang bahay sa Batangas sa loob […]

Bantay Karapatan: Walang habas na pamamaril at pambobomba ng teroristang 68th IBPA at 203rd Brigade sa Occidental Mindoro
November 30, 2022 |

Nang-istraping at nagpasabog ng mga bala ng M203 ang berdugong 68th IBPA at 203rd Brigade sa hangganan ng Brgy. Aguas, Limlim at Pitogo ng bayan ng Rizal; Brgy. Manoot sa Bayan ng San Jose; at Brgy. Tanyag sa Bayan ng Calintaan, Occidental Mindoro bandang ala-una ng madaling araw noong Nobyembre 6. Tumagal nang sampung minuto […]

Malayang pamamahayag, ipinanawagan sa araw ng paggunita sa Maguindanao massacre
November 30, 2022 |

Nagkaroon ng vigil at candle lighting sa University of the Philippines Los Baños noong Nobyembre 25 para gunitain ang ika-13 taon ng Maguindanao massacre na naganap sa ilalim ng rehimeng US-Arroyo. Inalala ang 58 biktima ng pamamaslang, kabilang ang 32 manggagawa sa masmidya. Pinangunahan ang aktibidad ng College Editors Guild of the Philippines-ST at iba […]

“Sahod itaas, presyo ibaba!” pakikibaka sa ika-159 kaarawan ni Bonifacio
November 30, 2022 |

Nagprotesta ang mamamayan ng Timog Katagalugan sa Crossing Calamba bilang paggunita sa ika-159 Kaarawan ni Andres Bonifacio noong Nobyembre 30. Lumahok ang BAYAN TK, Pamantik-KMU, Starter-Piston, Kadamay ST, Defend ST, Karapatan TK, Anakbayan ST at mga mag-aaral mula sa Unibersidad ng Pilipinas Los Baños. Nagdamit-Katipunero ang mga lider-masa bilang pagpupugay kay Bonifacio. Nanawagan ang mamamayan […]