Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Nagugutom ang gumagawa ng pagkain
October 21, 2022

Hungkag para sa mga magsasaka at mangingisda ang pangako ng rehimeng Marcos na titiyakin niyang “abot-kamay” at “masustansyang pagkain” para sa bawat Pilipino. Hindi lamang wala siyang ginagawa, pinatitindi ng kanyang mga neoliberal na patakaran ang kagutumang dinaranas ng mga gumagawa ng pagkain. Kabilang ang mga magsasaka at mangingisdang Pilipino sa mahigit 828 milyong mamamayan […]

Pusakal na mga yunit ng AFP, inambus ng BHB
October 21, 2022

Tatlong ambus ang inilunsad ng mga yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa tatlong prubinsya ng bansa sa nagdaang mga linggo. Pinatamaan ng BHB ang pinakabrutal at pinakapusakal na mga yunit ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kani-kanilang saklaw na erya. Sa Surigao del Sur, tatlo ang napatay at isa ang nasugatan sa […]

Ka Juanito Magbanua: tinig ng Negros, bayani ng sambayanan
October 21, 2022

Pinarangalan ng Partido Komunista ng Pilipinas ang pinaslang na tagapagsalita ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Negros na si Ka Juanito Magbanua (Romeo Nanta). Inilaan ni Ka Juanito ang 25 taon ng kanyang buhay sa adhikain ng mamamayang Pilipino para sa pambansa at panlipunang pagpapalaya. Ang pagpaslang ng militar kay Ka Juanito habang nasa kustodiya ay labag […]

Militarisadong komunidad sa Aklan, sinaklolohan
October 21, 2022

Nagsagawa ang Bayan, Kilusang Magbubukid ng Pilipinas at Pamalakaya sa Aklan ng 2-araw na makataong misyon sa komunidad ng mga mangingisda sa Barangay Cawayan, New Washington, Aklan noong Oktubre 12-13. Layunin nito ang alamin ang kalagayan ng mga residente sa gitna ng patuloy na pananakot, panggigipit at militarisasyon sa lugar. Tatlong buwan na ang operasyong […]

Sa madaling salita
October 21, 2022