Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Magsasaka, pinatay sa Negros Oriental
Pinatay ng 62nd IB si Greg Cantela, magsasaka at residente ng Sityo Manlibod, Barangay Trinidad, Sa Guihulngan City, Negros Oriental, alas-6 ng umaga noong Setyembre 7. Pinakahuli siya sa mga pinaslang sa militarisadong isla. Iniulat ng BHB-Negros ang bata-batalyong operasyon ng AFP sa kabundukan at komunidad ng Negros Occidental. Sa mga barangay ng Calatrava at […]
Asukal, bawang at bigas: Biktima ng neoliberal na importasyon
Umalma ang mga magsasaka ng tubo, bawang at palay sa kawalang suporta ni Ferdinand Marcos Jr, pareho bilang presidente ng bansa at kalihim ng Department of Agriculture, sa lokal na produksyon sa agrikultura. Noong Setyembre 13, iniulat ng grupo ng mga kababaihang magsasaka na Amihan ang pagsadsad ng bilihan ng palay tungong ₱13 sa ilang […]
Paniniil sa kalayaan sa pagpahayag at impormasyon sa social media
Tuluy-tuloy na hinaharap ng mga rebolusyonaryong pwersa ang paniniil at panggigipit sa kalayaan sa pagpapahayag at impormasyon ng mga monopolyong kumpanya sa social media tulad ng Facebook, Google at Twitter. Ganito rin ang dinaranas ng iba’t ibang grupong rebolusyonaryo at anti-imperyalista sa iba’t ibang panig ng mundo, at maging mga indibidwal o grupong nagpapahayag ng […]
CPI-Maoist, magdiriwang ng ika-18 anibersaryo
Nanawagan ang Komite Sentral ng Communist Party of India (CPI-Maoist) sa People’s Liberation Guerilla Army (PLGA), mga organong pampulitika ng mamamayan at lahat ng rebolusyonaryong mamamayan na ipagdiwang ang ika-18 anibersaryo ng Partido sa kanayunan at kalunsuran mula Setyembre 21-27 ngayong taon. Ang CPI (Maoist) ay itinatag noong Setyembre 21, 2004 matapos magsanib ang Communist […]
Teroristang bansag ng EU sa partido komunista sa Kurdistan, ipinatatanggal
Isang internasyunal na kampanya ang isinusulong ngayon para tanggalin ang Kurdistan Workers’ Party (PKK) sa listahan ng European Union (EU) ng mga “teroristang organisasyon.” Ang paninindigang ito ang nilalaman ng isang pahayag na pirmado na ng mahigit 6,000 personalidad, na nagkakaisa na ang gayong hakbangin ay alinsunod sa interes ng kapayapaan, demokrasya at karapatang-tao. Suportado […]