Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Mag-asawang Ka Layka at Ka Yuno, binaril-patay matapos madakip
Isang malaking kasinungalingan ang ipinangalandakan ng AFP na napatay sa armadong sagupaan ang mag-asawang Ka Layka at Ka Yuno. Noong Setyembre 1 ng hapon, nadakip ang mag-asawa sa Barangay Kapitan Bayong, Impasug-ong, Bukidnon. Pagsapit ng Setyembre 4, ibinalita ng 4ID na napatay ang mag-asawa sa naganap umanong 15-minutong engkwentro noong Setyembre 3. Sila lamang daw […]
Espiya ng AFP-PNP sa Pilar, inambus
Napatay sa operasyong partisano ng NPA nitong Setyembre 5, bandang alas-6 ng gabi si Police Executive Master Sergeant Israel Rebosura ng Pilar Municipal Police Station sa Purok 2, Sityo Cagduyong, Brgy. Ginablan, Pilar, Sorsogon. Si Rebosura ay aktibo sa paniniktik at paglalatag ng lambat ng mga impormer ng pulis sa mga baryo sa bayan ng […]
Suportahan ang panunumbalik ng negosasyong pangkapayapaan, ipaglaban ang pangmatagalan at makatarungang kapayapaan!
Positibo ang mga pagsisikap ni Senador Loren Legarda at mga makabayan at progresibong kongresista sa Kamara na muling buksan ang negosasyong pangkapayapaan sa pagitan ng NDFP at GRP. Kapuri-puri ang pagsuporta rito ng mga taong simbahan, makataong institusyon at mamamayan sa gitna ng pakana ng mga alipores ng ilehitimong rehimeng Marcos II na pigilan ito. […]
Panibagong dedlayn sa paglipol sa NPA, mabibigo
Suntok sa buwan ang ipinagyayabang ng AFP sa katauhan ni Lt. Gen. Romeo Brawner, commanding general ng Philippine Army, na matatapos ang CPP-NPA-NDFP ngayong 2022. Inihayag ito ni Brawner sa inilunsad na pinakahuling command conference na dinaluhan ng matataas na opisyal ng AFP. Upang bigyang katwiran ang pagtatakda ng panibagong dedlayn, ikinatwiran ni Brawner na […]
Pagpatay sa mga magsasaka ng inaagaw na lupaing Pecson sa Masbate mukha ng tumitinding gera kontra magsasaka ng rehimeng Marcos II
Sa desperasyong mapalayas ang mga magsasaka sa lupaing Pecson sa Masbate, tumungo na ang military sa tahasang pagpatay sa mga okupante. Pinaslang ng pinagsamang mga element ng 2nd IBPA at armadong gang ni Brgy. Captain Adriel Boyet Besana si Manuel Cos habang nagtatanim ng kamote sa Sityo Baldoza, Brgy. Cabungahan, Cawayan nito lamang ika-1 ng […]