Mag-asawang Ka Layka at Ka Yuno, binaril-patay matapos madakip

Ang artikulong ito ay may salin sa EnglishBisaya

Isang malaking kasinungalingan ang ipinangalandakan ng AFP na napatay sa armadong sagupaan ang mag-asawang Ka Layka at Ka Yuno. Noong Setyembre 1 ng hapon, nadakip ang mag-asawa sa Barangay Kapitan Bayong, Impasug-ong, Bukidnon. Pagsapit ng Setyembre 4, ibinalita ng 4ID na napatay ang mag-asawa sa naganap umanong 15-minutong engkwentro noong Setyembre 3. Sila lamang daw ang napatay sa naturang engkwentro at nakuha mula sa kanila ang dalawang AK47 at mga kagamitan. Pinalalabas na silang dalawa lamang ang tiniyak ng militar na tamaan sa pinagmayabang nitong 15-minutong sagupaan. Matatamaan at mapapatay talaga ng mga berdugo ang dalawa sapagkat binaril nila ang dalawa matapos nadakip na. Ang mag-asawa ay mga “hors de combat,” walang kakayahang lumaban, na binaril ng mga elemento ng 4ID PA.

Si Ka Yuno o Vincent Isagani Madlos, anak ng pinatay din ng kaaway na si Ka Oris, ug si Ka Layka o Glorivic Campos Belandres ay mga myembro ng BHB. Dahil anak ni Ka Oris, kasama sila sa target ng 4ID na paslangin upang hindi na makapagpatuloy sa kailang pagsisilbi sa masang Pilipino sa pamamagitan ng pagrerebolusyon.

Nadakip sila sa barangay malapit sa national highway, patungo sana sila sa lunsod para sa isang gawain na hindi pwede sa sona. May pangangalangang medikal din si Ka Yuno na may sugatan sa balakang mula sa isang labanan. Wala silang dalang armas sa paglabas nila sa sona.

Nagdiwang ang 4ID sa isang huwad na tagumpay, isang kaduwagan. Bakit hindi na lang nila aminin na nahuli nila ang mag-asawa saka binaril gayong ito naman ang modus operandi ng gubyernong US-Marcos Jr na karugtong sa patakaran ni Digong Duterte.

Kasasabi lang ng bise presidente na si Sara Duterte kasama ang AFP/PNP, sa isang Command Conference, na hindi dapat kaawaan ang mga rebolusyonaryo (na binansagan nilang mga terorista) at mga kriminal. Binasbasan lamang niya ang pagpatay kina Ka Layka at Ka Yuno at iba pang mga rebolusyonaryo na kanilang biktima.

Mga bata pa sina Ka Layka ug Ka Yuno, pero kinitil na ng mga berdugo ang kanilang minamahal na buhay. Ipinagkait ng mga berdgo sa mamamayang Pilipino ang magagawa pa sanang manininingning na kontribusyon nina Ka Layka at Ka Yuno.

Para sa isang rebolusyonaryong ina, hindi pwedeng uniyak sa kanilang kamatayan, dahil hindi pwedeng iiyak ang galit sa mga berdugo, hindi pwedeng iiyak ang lungkot na naging katapangan. Turn grief into courage, ika nga.

Matatandaan ang katulad na ginawa kay Ka Oris nang hinuli siya noong Oktubre 29, 2021, habang bumibyahe para magpagamot, na ipinagmayabang din agad ng 4ID na napatay nila sa isang engkwentro ang isang 72-taong gulang na rebolusyonaryo.

Itigil ang pagpaslang sa mga rebolusyonaryong “hors de combat”!

Mag-asawang Ka Layka at Ka Yuno, binaril-patay matapos madakip