Espiya ng AFP-PNP sa Pilar, inambus

Napatay sa operasyong partisano ng NPA nitong Setyembre 5, bandang alas-6 ng gabi si Police Executive Master Sergeant Israel Rebosura ng Pilar Municipal Police Station sa Purok 2, Sityo Cagduyong, Brgy. Ginablan, Pilar, Sorsogon.

Si Rebosura ay aktibo sa paniniktik at paglalatag ng lambat ng mga impormer ng pulis sa mga baryo sa bayan ng Pilar. Isa ring siyang kilalang illigal na chainsaw operator at contractor ng mga punong kahoy at coco lumber na pang deliber sa kanyang baryo.

Ang pagkakapatay kay PEMS Rebosura ay isang malaking hakbang sa pagsisikap ng BHB na buwagin ang inilatag ng PNP at AFP na mga espiya sa mga sonang gerilya na kadalasa’y nandadawit sa mga ordinaryong tao. Ang mga espiyang ito ay naghahatid ng takot at kawalan ng personal na seguridad sa mamamayan.

Dahil sa pagiging aktibong tauhan ng AFP at PNP sa pang-eespiya, si PEMS Rebosura ay isang lehitimong target militar ng hukbong bayan.

Espiya ng AFP-PNP sa Pilar, inambus