Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Rebolusyonaryong ambag ng martir na kadre militar sa Negros, kinilala
February 07, 2026

Kinilala at pinarangalan ng rebolusyonaryong kilusan sa Negros noong Pebrero si Reynaldo Erecre (Ka Amek) sa kanyang mayamang ambag sa pagsulong ng rebolusyon sa Negros at Central Visayas. Pinaslang si Erecre ng pasistang mga tauhan ng 94th IB matapos siyang madakip noong Enero 30 sa Sityo Apitong, Barangay Bi-ao, Binalbagan, Negros Occidental. Ayon sa ulat […]

Mga pakikibakang manggagawa
February 07, 2026

  Laban para sa CBA ng mga superbisor sa PLDT. Sunud-sunod na pagkilos ang inilunsad ng mga superbisor sa PLDT Inc nitong Enero. Panawagan nila ang pagkakamit ng isang makabuluhang collective bargaining agreement (CBA) para sa 2026-2028 sa pagitan ng Gabay ng Unyon sa Telekomunikasyon ng mga Superbisor sa PLDT (GUTS-PLDT) at pamunuan ng PLDT […]

Malawakang protesta sa kampus, inilunsad ng mga estudyante
February 07, 2026

Sa pagbubukas ng pangalawang semestre nitong Enero-Pebrero, inilunsad ng mga estudyante ang mga protesta at aktibidad sa di bababa sa 11 unibersidad. Daan-daan ang nagtipon para patuloy na ipaglaban ang kanilang demokratikong karapatan, singilin ang rehimeng Marcos sa malawakang korapsyon at labanan ang panunupil. Sa University of the Philippines (UP) System, inilunsad ang mga protesta […]

Reklamong impeachment laban kay Marcos, agad na hinarang
February 07, 2026

Mabilis na ibinasura ng mga kaalyado ni Pres. Ferdinand Marcos Jr sa Kongreso ang inihaing reklamong impeachment para tanggalin siya sa Malacañang. Isinalang ito sa Committe on Justice ng Kongreso noong Pebrero 4 kung saan, sa botong 39-7, idineklarang “di sapat ang laman” ng kasong isinampa laban sa presidente. Hindi na nagulat ang blokeng Makabayan […]

Dayuhang pagmimina, todong nilalabanan sa Nueva Vizcaya
February 07, 2026

Noong Enero 23, pitong residente ng Dupax del Norte, Nueva Viscaya ang inaresto sa kanilang barikada laban sa planong pagmimina ng kumpanyang British na Woggle Corporation sa kanilang barangay. Gamit ang 400 pulis, katuwang ang mga tauhan mula sa Bureau of Fire Protection, pwersahang ipinasok ng kumpanya ang drilling equipment (pambutas sa lupa), backhoe at […]