AFP-PNP, persona non grata sa kanayunan, layas!

,

Sa kanayunan ng Northern Samar na pinuputakte ng Retooled Community Support Program ng AFP-PNP, sapilitang pinapapirma sa mga konseho ng barangay ang resolusyong “persona non grata” (“PNG”) laban sa sarili nilang kababaryo na pinagbibintangang kasapi ng PKP-BHB-NDF.

Ang “PNG” (“taong hindi tinatanggap”) ay idinedeklara laban sa mga taong may mabibigat na krimen sa mamamayan gaya ng pamamaslang, reyp, pagnanakaw at iba pa.

Ngunit itinutulak ng AFP-PNP ang pagdeklara ng “PNG” laban sa mga taong wala namang kasong kriminal. Ang totoo, ang iskemang “PNG” ay red-tagging upang gipitin ang mga biktima nito na “sumurender” kahit na wala naman silang kasalanan.

Sa halip, klaro na ang “PNG” ng AFP-PNP ay isa sa marami nilang taktika upang maghasik ng teror at takot sa kanayunan. Kaakibat nito ang pagpapakalat nila ng pekeng balita upang pagtakpan ang madudugo nilang krimen, gaya ng pag-istraping at pagpaslang nila sa dalawang bata sa Barangay Roxas, Catubig, Northern Samar.

Sa presensya ng Bagong Hukbong Bayan, payapang nakakapaghanapbuhay sa kanilang mga bukirin ang masang magsasaka. Samantala, natitigil ang kanilang pagsaka sa tuwing nag-ooperasyon o nagkakampo ang AFP-PNP sa kanayunan.#

AFP-PNP, persona non grata sa kanayunan, layas!