Aktibong CAFGU sa Moises Padilla Patay sa Partisan Operation ng NPA

Ang artikulong ito ay may salin sa Hiligaynon

Napatay si Joselito Raboy, aktibong kasapi ng Barangay Montilla CAFGU Patrol Base sa ilalim ng superbisyon ng 62nd IBPA noong Setyembre 24, 2022, alas 12:00 ng tanghali. Naganap ang matagumpay na partisan operation ng New People’s Army Leonardo Panaligan Command—Central Negros Front (LPC-NPA) sa Sityo Bayabasan, Barangay Montilla, Moises Padilla, Negros Occidental.

Si CAFGU Joselito Raboy ay isa sa mga operatiba ng pasistang militar na nagmasaker sa pamilyang Jacolbe kung saan napatay ang daycare worker na si Cristina Jacolbe, ang 16 taong si Everly Kee—ang anak nina Cristina at Ernie Jacolbe, kasama din si Rodan Montero ng Sityo Banderahan, Barangay Trinidad, Guihulngan City, Negros Oriental.

Kasama rin si Raboy sa tropa ng 62nd IBPA at PNP-SAF sa pagrapido at tangkang pagpatay kina Boyet Cesar at Marjun Mahinay ng Sityo Kambairan, Barangay Trinidad, Guihulngan City noong nakalipas na mga buwan ng Hulyo at Agosto 2022. Si Raboy ang isa sa tatlong kasapi ng CAFGU na nagbahay-bahay sa Sityo Bayabasan, Barangay Montilla at nanakot gamit ang kanilang mga baril sa mga inaakusahan nilang mga suporter ng NPA. Aktibo rin si Raboy na tagapaniktik ng 62nd IBPA sa kilos ng NPA.

Ang nangyaring pagparusa ng LPC-NPA kay Joselito Raboy ay magsisilbing babala sa lahat na makinarya ng militar laban sa kilusan laluna ang mga nagsurender na nagpagamit sa pasistang AFP, PNP at NTF-Elcac katumbas ng pangakong pera kung saan nagresulta ng pagkasira ng kabuhayan, buhay at may utang na dugo sa mamamayan ng Central Negros.

Pursigido ang LPC-NPA sa paghanap ng paraan sa pagparusa upang pairalin ang nararapat na hustisya para sa mga biktima ng pasismo ng estado.

Isulong ang digmang bayan hanggang sa tagumpay! ##

Aktibong CAFGU sa Moises Padilla Patay sa Partisan Operation ng NPA