Pahayag

Ambus sa tropa ng 22nd IB, tagumpay

Napatay ang isang sundalo ng Philippine Army at malubhang nasugatan ang isa pa nang tambangan sila ng mga gerilyang NPA bandang 11:30 ng umaga kahapon, Setyembre 6, sa Sityo Sabang, Barangay Calpi, Bulan. Ang napatay ay kinilalang si Cpl. Rodel Felismino habang ang nasugatan ay si Pfc Jamil Forte. Ang dalawa ay kabilang sa yunit ng 22nd IBPA na nakabase sa Barangay Calmayon, Juban.

Magkaangkas ang dalawang sundalo sa isang motorsiklo sa rutang pa-Bulan mula sa kanilang detatsment nang tambangan sila ng mga Pulang mandirigma.

Ang naturang aksyon ay tugon ng NPA-Sorsogon sa daing mga mamamayan sa iba’t ibang baryo ng Magallanes, Bulan, Irosin at Juban na hinaharas at ginigipit ng mga sundalo sa mga operasyong militar sa lugar mula pa noong Marso. Bahagi rin ito ng mga pagsisikap ng Pulang Hukbo para ipagbunyi ang kabayanihan nina Arnel “Ka Mando” Estiller at iba pang kasamang nag-alay ng buhay sa rebolusyonaryong pakikipaglaban.

Ang NPA-Sorsogon ay nagpapahayag ng determinasyon na tugunan ang mga reklamo ng taumbayan at ipagtanggol sila laban sa mga pasistang pwersa ng estado. Sisikapin naming palaganapin ang gayong mga aksyon sa iba pang bahagi ng probinsya.

Ambus sa tropa ng 22nd IB, tagumpay