Pahayag

Pahayag ng Katipunan ng mga Gurong Makabayan sa Pandaigdigang Araw ng mga Guro Ang pagiging guro ay pagiging rebolusyunaryo! Mag-aral kasama ang masa, magturo para sa armadong pakikibaka, at magmulat para sa pambansa-demokratikong rebolusyon

,

Buong pagpupugay ang ginagawad ng KAGUMA sa lahat ng mga makabayang guro at martir ng pambansa-demokratikong rebolusyon ngayong Pandaigdigang Araw ng mga Guro. Pinakamataas na pagpupugay ang ginagawad kay Kasamang Joma Sison, ang pinakadakilang guro ng sambayanang Pilipino. Ginagawaran din ng pinakamataas na pagkilala ang mga martir ng sambayanan na nag-iwan ng mga dakilang aral sa rebolusyonaryong kilusan na sina Benito at Wilma Tiamzon, Ka Concha Araneta ng Panay, Teacher Chad at Teacher Jurain ng Lumad schools, Alice Guillermo ng UP Diliman, Ed Villegas ng UP Manila, at iba pa na nag-alay ng buong buhay para sa pagpapalaya ng sambayanang inaapi.

Hindi lang guro sa mga paaralan, gumagampan din ang mga kasapi ng KAGUMA bilang guro sa mga rebolusyonaryong puwersa. Primaryang tungkulin nila ang pagmumululat sa malawak na hanay ng mga kabataan, guro, at manggagawang edukasyon upang sumapi sa Bagong Hukbong Bayan. Layunin ng KAGUMA ang pangkulturang propaganda upang maunawaan at yakapin ng mga magsasaka at manggagawa ang kawastuhan ng Marxismo- Leninismo-Maoismo bilang gabay sa pagususuri ng ating lipunan at daigdig. Hindi natatapos sa mga repormistang gawain sa paaralan at administratibong tungkulin ang katungkulan ng mga makabayang guro. Masigla silang umuugnay sa mga lihim na kilusang masa upang isulong at ipagwagi ang pangmatagalang digmang bayan. Kaya ngayong Pandaigdigang Araw ng mga Guro, alalahanin natin na malaki ang papel ng mga makabayang guro sa gawaing pangkultura upang isulong ang pambansa-demokratikong rebolusyon.

Hindi dapat mapako ang mga makabayang guro sa mga huwad na pangako ng ekonomistang limos ng pasistang estado. Bagamat mahalagang pakikiba rin ito para sa pagpapabuti ng kanilang kalagayan, mas marapat na gawing tungtungan ang mga pang- ekonomyang laban sa pagpapataas ng rebolusyonaryong kamalayan ng sangkaguruan. Lagpas sa mga repormistang adbokasiya, nagsusulong ang KAGUMA ng paglalansag ng lipunang malakolonyal at malapyudal na nagsisilbing balatik sa mga mamamayang Pilipino ng imperyalistang US. Marapat lang din na maksimahin ng mga makabayang guro ang dami ng kanilang bilang at lawak ng kanilang impluwensiya sa paghikayat sa sambayanan, lalong-lalo na sa mga kabataan, na lumahok sa pinakalantay na antas at porma ng pakikibaka, ang armadong pakikibaka.

Sa lumalalang pagdarahop sa ating malakolonyal at malapyudal na lipunan, sa gitna ng pang-uupat ng imperyalistang US para isubo sa giyera ang Pilipinas kontra Tsina, sa batuhan ng burak ng Marcos at Duterte, na kapwa papet ng mga imperyalista, dapat samantalahin ng mga makabayang guro ang papahinog na krisis na ito upang makabig ang mga panggitnang uri para sumuporta sa demokratikong rebolusyong bayan at itaas ang kamalayan ng mga di- abanteng guro at mag-aaral. Dapat samantalahin natin ang hidwaan sa pagitan ng mga papet na mga burukrata kapitalista upang ihayag sa mamamayan ang tunay na daan sa pagkakamit ng lipunang malaya. Pangunahan natin ang mga pagkilos ng mamamayan, hayag man o lihim, para tuluyang maibagsak ang naaagnas na sistemang malapyudal at malakolonyal ng ating lipunan. Pasukin natin ang mga alyansa at nagkakaisang prente na binubuo ng iba’t ibang sektor upang pangunahan ang kontra-pasistang pagkilos para pagbayarin si Duterte sa kanyang henosidyo laban sa mamamayan at panagutin din si Marcos Jr sa pagpapatuloy ng pasistang militarisasyon sa ating mga paaralan at walang habas na red-tagging sa ating mga kasamang edukador. Mag-ingay tayo at magpaliwanag sa labas at loob ng ating paaralan para maituloy ang usapang pangkapayapaan.

Huwag nating kalimutan ang mga aral, pagpupunyagi at tagumpay na iniwan sa atin ng ating mga rebolusyunaryong guro mula pa noong 1971 nang naitatag ang KAGUMA. Malalim at mabunga ang mga karanasan ng kanilang pakikibaka, armado man o hindi, na magagamit natin at mapagpapahusay pa para sa tagumpay ng demokratikong rebolusyong bayan.

Mabuhay ang mga makabayang guro!

Magturo at mag-aral para sa rebolusyon!

Magturo at maghikayat sa mga kabataan na sumapi sa Bagong Hukbong Bayan!

Mabuhay ang pambansa-demokratikong rebolusyon!

Ang pagiging guro ay pagiging rebolusyunaryo! Mag-aral kasama ang masa, magturo para sa armadong pakikibaka, at magmulat para sa pambansa-demokratikong rebolusyon