Militar lang sila, Masbatenyo tayo! Palakasin ang ating NPA para sa hustisya, lupa, kabuhayan at buhay!
Nagdadalamhati at lubos na nagngangalit ang bayang Masbate sa pagpatay ng mga elemento ng 2nd Infantry Battalion-Phil. Army sa mga magniniyog na sina Roger Clores at Ronnel Abril sa Barangay Simawa, bayan ng Uson kahapon, Setyembre 26, 2024, 5:30 ng umaga. Isinagawa ang naturang pamamaslang upang pagtakpan ang pagpatay ng isang elemento ng CAFGU sa kanyang upisyal na militar sa kalapit na baryo ng Dapdap sa parehong bayan.
Magdamag na nagbabantay ang dalawang biktima sa kanilang nilulutong kopra nang madaaanan ng mga militar. Sina Clores at Abril ang ika-34 at ika-35 biktima ng pampulitikang pamamaslang sa Masbate sa ilalim ng rehimeng US-Marcos at ikatlong termino ni Gov. Antonio Kho.
Nakikiramay ang Pambansang Katipunan ng Magbubukid-Masbate, rebolusyonaryong organisasyon ng magsasaka sa mga minamahal sa buhay nina Clores at Abril. Hinihikayat ng PKM-Masbate ang mga kaanak ng mga biktima na huwag magpatinag sa paninindak at pambabanta ng militar. Sa halip, dapat silang manindigan katulong ang mga progresibong organisasyon upang panagutin ang militar sa kanilang krimen.
Wala nang Masbatenyong naniniwala sa kasinungalingan ng militar. Ito ay kahit tangkain pang burahin ng 2nd IBPA ang bakas ng kanilang krimen sa tulong ng kanilang mga tao sa traditional at social media o kaya’y pagpapatahimik sa mga kaanak at kababaryo ng mga biktima.
Sa katunayan, naglipana sa Facebook ang mga posts na naglalantad sa krimen ng militar at nananawagan ng hustisya para kina Clores at Abril. Ganito rin ang pag-iingay sa social media ng mga Masbatenyo sa mga nagdaang biktima ng pampulitikang pamamaslang sa prubinsya.
Tiyak ding kabahagi ang naturang pamamaslang sa nagpapatuloy na clearing operations para sa pagpasok ng dambuhalang kumpanya sa mina na Filminera. Sa katunayan matapos ang pagpatay, tigas-mukhang nangikil ang ilan pang elemento ng 96th MICO sa mga maliliit na minero (paralimbas, sa diyalektong Masbatenyo) sa karatig-baryo ng San Jose sa parehong bayan. Pinagbantaang ipapasara ang operasyon ng kanilang maliit na mga minahan kung hindi ibibigay ang parte ng mga extortionist na militar.
Hindi na matiis pa ng mga Masbatenyo ang lagim sa ilalim ng umiiral na paghaharing militar sa Masbate. Hindi papayag ang mga Masbatenyo na sila at kanilang ama, ina, anak, kapatid, kaibigan at minamahal ang sumunod na maging biktima at tratuhin nang masahol pa sa hayop.
Wala nang puwang para matakot at magkawatak-watak. Kapag nagpadala sa takot at pagkakanya-kanya, mas tumitindi ang pang-aabuso at pang-aapi ng kaaway.
Subalit kapag nagkaisa, mas marami, mas malakas at mas makapangyarihan tayong mga Masbatenyo. Pinakamatibay ang pagkakaisang ito kapag nakasuporta sa armadong pakikibaka.
Sa sitwasyong ito, malinaw na malinaw na para sa mga Masbatenyo na kailangan at dapat na palakasin pa ang kanilang New People’s Army upang makamit ang hustisya at maipagtanggol ang kanilang lupa, karapatan, kabuhayan at buhay.
Palakasin ang armadong pakikibaka para sa hustisya sa pamamagitan unang-una ng pagrekrut ng maraming maaaring sumapi sa NPA, laluna ang mga kabataan. Dapat ding ibukas ng mga Masbatenyo ang kanilang komunidad sa mga kasama upang makatulong sa pagbubuo ng kanilang pagkakaisa at organisasyon.
Lumalangoy ang AFP-PNP-CAFGU sa malawak na karagatan ng nagngangalit na Masbatenyo. Sama-sama nating pagplanuhan paano pananagutin ang mga kriminal na ito.
Nagkaroon ang mga Masbatenyo ng lupang mabubungkal kasama ang NPA. Nagkaroon ng kinabukasan ang ang mga Masbatenyo kasama ang NPA. Ang kasaysayan ng Masbate ay kasaysayan ng pagkakaisa ng mga Masbatenyo at kanilang Hukbo. Kapag walang NPA, walang magtatanggol sa mga Masbatenyo. Subalit kapag malakas ang NPA, may laban at pag-asa ang mga Masbatenyo. Ito ang katotohanang dapat nating maalala sa paglaban sa umiiral na paghaharing militar sa prubinsya.