Ang tagumpay ng BHB ay tagumpay ng mamamayan ng Quezon!

Mapulang pagbati ang ipinapaabot ng Kabataang Makabayan-Balangay Dani Lagrama sa matagumpay na pananambang ng Apolonio Mendoza Command-New People’s Army sa nag-ooperasyong sundalo ng 85th Infantry Battalion Philippine Army sa Barangay Doña Aurora, Calauag, Quezon.

Bandang alas-sais ng hapon nang paputukan ng mga pulang mandirigma ang nasa 30 sundalo ng 85th IBPA na nagsasagawa ng operasyong kombat sa lugar. Tatlong sundalo ang kumpirmadong patay matapos masabugan ng command detonated explosive.

Marapat na ilantad ang pandarahas, pambubuliglig at pagpaslang ng 85th IBPA sa mga magsasaka’t mamamayan hindi lamang sa bayan ng Calauag kundi sa buong distrito ng South Quezon-Bondoc Peninsula.

Kahit sa mga eskwelahan, mapanlinlang ding pumapasok ang mga militar sa pamamagitan ng mga kasunduan upang alisin ang diwang makabayan ng kabataang estudyante at magpakalat ng mga itim na propaganda laban sa rebolusyunaryong kilusan. Kung kaya, aning tagumpay ng masa ang malaking bigwas ng mga pulang mandirigma laban sa mga pasista’t berdugong sundalo ng 85th IBPA.

Ayon kay Cleo del Mundo, tagapagsalita ng AMC-NPA, pinatunayan ng matagumpay na aksyong militar ng NPA na nangangarap lamang nang gising sina AFP Gen. Romeo Brawner at commander-in-chief nitong si Bongbong Marcos Jr. sa kanilang layuning durugin ang rebolusyunaryong kilusan.

Wala pang isang taon, ito na ang pangawalang beses na nakapaglunsad ng matagumpay na taktikal na opensiba ang AMC-NPA matapos ang pekeng deklarasyon ng AFP at lokal na pamahalaan na ‘insurgency-free’ na ang probinsya.

Tiyak na nagkukumahog at nakakabuhol-buhol na naman ang dila nina 85th IBPA LTC Joel Jonson at Gobernadora Helen Tan kung papaano na naman sila magsisinungaling sa mamamayan ng Quezon. Nalulunod na sila sa kanilang sariling kahibangan at kasinungalingan.

Hangga’t hindi nareresolba ang krisis sa kawalan ng lupa ng mga magsasaka, dayuhang pandarambong at patuloy na pagsirit ng presyo ng mga bilihin habang binabarat ang sahod ng mga manggagawa at mga produktong bukid; tiyak ang pagpapatuloy ng armadong paglaban ng mamamayan ng Quezon.

Asahan ng sambayanan na mas dadami ang kabataan sa lalawigan na tatahakin ang armadong pakikibaka upang durugin ang mga salot ng kahirapan—imperyalismo, pyudalismo, at burukratismo—na siyang salarin sa kolonyalisado, komersyalisado at pasistang tipo ng edukasyon.

Mabuhay ang Bagong Hukbong Bayan!
Makatwiran ang Maghimagsik!

Ang tagumpay ng BHB ay tagumpay ng mamamayan ng Quezon!