Pahayag

Asembliya ng isang balangay ng KM-Lucille Gypsy Zaballa, inilunsad

,

Matagumpay na nakapaglunsad ng asembliya ang isang balangay ng Kabataang Makabayan-Lucille Gypsy Zaballa na ginanap noong November 16, 2025.

Tinalakay sa assembliya ang mahigpit ng tungkulin ng Kabataang Makabayan sa pagpapalakas ng kilusang kabataan-estudyante sa sentrong lungsod sa adhikaing ipagtagumpay ang rebolusyon at wakasan ang pananamantala tungo sa lipunang malaya at mapagpalaya. Tangan ang mga aral na iniwan ng lumang tipo ng rebolusyong 1896 nina Andres Bonifacio at mga teorya ng Marxismo-Leninismo-Maoismo, laksa-laksang kabataan ang mangangahas na titindig at makikibaka para ipagtagumpay ang demokratikong rebolusyon!

Ayon kay Ka Karso Mapagpalaya, isa sa dumalo sa asembliya, “Tatanganan ng mga Kabataan sa Rehiyon ang mga tungkulin ng Kabataang Makabayan upang biguin ang mga pasistang atake ng rehimeng Marcos Jr at ang paglahok ng mga Kabataan sa landas ng Armadong Pakikibaka. Dapat isapuso ng bawat Kabataan ang ultimong kahalagahan ng KM sa pagsusulong ng rebolusyong Pilipino!”

Hamon sa lahat ng kabataan na tipunin ang lakas at tahakin ang rebolusyonaryong landas, gamitin ang talino at kakayahan upang iambag sa pagpapalakas ng armadong pakikibaka at pagsusulong ng digmang bayan. Ang pagsampa sa Bagong Hukbong Bayan ang pinakaabanteng hakbang upang gapiin ang reaksyunaryong pwersa ng namamayaning estado.

Tiyak na makakamit ang ibayong paglakas ng Kabataang Makabayan kasabay ng pagpapaalab ng mga pakikibakang masa laban sa Imperyalismo, pyudalismo, at burukrata kapitalismo!

Mabuhay ang Kabataang Makabayan!

Mabuhay ang Partido Komunista ng Pilipinas!

Mabuhay ang Bagong Hukbong Bayan!

Mabuhay ang Pambansang Nagkakaisang Prente!

Mabuhay ang Pambansa-Demokratikong kilusan ng mamamayang Pilipino!

Asembliya ng isang balangay ng KM-Lucille Gypsy Zaballa, inilunsad