BHB, magiting na binigo ang 70th IB; 2 patay sa pasistang tropa

Patuloy na binibigo ng NPA Bulacan ang mersenaryong 70th IB. Magiting na nilabanan ng mga ito ang pasistang tropa sa isang engkwentrong labanan sa Sityo Balagbag Araw ng Barangay San Isidro ng bayan ng San Jose del Monte sa ganap na 8:45 ng umaga.

Dalawa ang kumpirmadong patay sa tropa ng 70th IB. Samantalang ligtas namang naka-atras ang yunit ng BHB.

Ang mersenaryong tropang ito ang masugid na tagapagprotekta ng interes ng naghaharing uri na sila Villar, Robes at Araneta. Mahigit 700 ektarya ang lupaing kinakamkam ng pamilya Araneta sa lugar na siyang magdidisloka sa magsasaka sa lugar.

Mahigit tatlong linggo na nitong pinahihirapan ang mamamayan sa lugar na ito sa pamamagitan ng pagkontrol sa kanilang aktibidad pang-ekonomya at pagkontrol sa kanilang konsumo. Habang hindi pinahihintulutan ang mamamayan na mamili ng lampas sa itinakda ng mga militar.

Mahaba na ang listahan ng paglabag ng berdugong tropa na ito. Taong 2022 nang walang habas nitong paputukan ang isang bahay ng sibilyan sa Sityo Manampus ng Barangay San Mateo ng bayan ng Norzagaray. Samantalang nitong 24 ng Abril, ninakawan ng 70th IB ng bigas, manok at itik ang isang magsasaka.

Liban pa rito, kilala ang tropa na ito na nagpakain ng dumi ng tao sa mga Aeta sa Zambales.

Laging nakahanda ang yunit ng BHB na bigwasan ang mersenaryong tropa na nananalasa sa buhay at karapatan ng mamamayan. #

BHB, magiting na binigo ang 70th IB; 2 patay sa pasistang tropa