Nananatili sa puso at isipan ng masang magsasaka sa dalawang lalawigan at rehiyon ang BHB at PKP Hindi kailanman malilimas ang isda sa malawak na tubig ng lalawigan ng Quezon at Batangas
Nananatiling malalim ang ugat ng rebolusyonaryong kilusan sa mamamayan ng Quezon, gayundin sa lalawigan ng Batangas. Bagamat nagkaroon ng dalawang insidente ng mga depensibang labanan sa pagitan ng mersenaryo, mamamatay-tao at teroristang 59th IB at isang yunit ng Eduardo Dagli Command (EDC)-BHB Batangas at 85th IB at isang yunit ng ng Apolonio Mendoza Command (AMC)-BHB Quezon kung saan nakatamo ang Pulang hukbo ng mga pinsala, patuloy na nag-aalab ang diwa ng masang magsasaka na isulong ang digmang bayan hanggang tagumpay.
Pulang saludo sa mga mahal na kasamang nagbuwis ng buhay mula sa EDC na sina Junalice ‘Ka Arya’ Arante-Isleta, Bernardo ‘Ka Mamay’ Bagaas at Erickson ‘Ka Ricky’ Bedonia nitong nakaraang Marso 26 sa Barangay Leviste (Tubahan), Rosario, Batangas; at kina Divine ‘Ka Joy’ Soreta at Paulo ‘Ka Isko’ Cruz ng AMC na nasawi sa Barangay San Jose, Guinyangan, Quezon. Pinalabas namang sumuko ang isang sibilyang katutubo na si Randy A. Reota, ngunit hanggang sa kasalukuyang ay hindi pa rin inililitaw ng talamak na taga-labag sa karapang pantao na 85th IB. Hindi rin nilulubayan ng pananakot at pagmamanman ang komunidad ni Reota.
Kayo, Ka Arya, Ka Mamay, Ka Ricky, Ka Joy at Ka Isko ay mga huwarang kasama na hindi inalintana ang mga sakripisyo at hirap. Walang pag-iimbot na inialay ang kaisa-isa ninyong buhay, talino at lakas para sa rebolusyon at paglaya ng sambayanang Pilipino mula sa imperyalismo, buruktata kapitalismo at pyudalismo at pagwasak sa malakolonyal at malapyudal na lipunan. Kayo, sa inyong panahong inilagi sa BHB ay tiyak na nag-ambag para sa pagsusulong ng anti-pyudal na pakikibaka, pagpapalakas ng base at paglulunsad ng mga aksyong militar.
Kayo rin piho, ay gumanap ng magkakaibang tungkulin at atas sa loob ng BHB, nang buong puso. Taimtim din ninyong isinabuhay ang demokrasya sa ekonomya, politika at militar. Ni minsan ay hindi kayo umalis sa piling ng masa at walang humpay na naging mag-aaral ng masa. Labis din kayong nagsikap sa pagpapanibagong hubog. Lahat ng ito’y binata n’yo dahil sapul n’yo ang kawastuhan ng demokratikong rebolusyong bayan at ang wagas na pagsisilbi sa sambayanan.
Pahiya ang komander ng 85th na si Lt. Col. Joel Johnson matapos maglubid ng buhangin na kinokoro ng Mayora ng Guinayangan at Gobernadora ng Quezon kaugnay sa deklarasyong Stable Internal Peace and Security ng lalawigan. Halata namang hindi nila nauunawaan ang kanilang pahayag, dahil malinaw na ang mga lokal na yunit ng gubyerno ay hostage at dominado na ng militar at pulisya. Gayundin, pahiyang-pahiya sina Heneral Brawner at amo niyang si Marcos Jr na nagbigay ng palugit na hanggang Marso 31, 2024 na lang ang mga pamprobinsyang larangang gerilya.
Pinasubalian ito ng tagumpay na nakamit ng mga kasama sa ambus ng BHB-AMC sa may 30 nag-oopersyong 85th IB sa Barangay Doña Aurora, Calauag, Quezon. Tatlo ang naiulat na sugatan sa hanay ng 85th IB na pilit na itago ng kanilang punong komander. Ipinagbunyi ito ng mga magsasaka dahil naparusahan ang 85th IB na naghahasik ng takot at pangamba sa kanila. Pulang pagpupugay ang ipinaaabot ng tanggapan ng PKM-TK sa magigiting na Pulang mandirigma ng Quezon.
Hindi maampat, hindi mapipigilan at hindi mabubusalan ang paglaban ng aping mamamayan ng Quezon at Batangas hangga’t ang malalaking burgesya kumprador-panginoong maylupa tulad nina Ramon Ang, Lance Gokongwei, Sabin Aboitez, Leandro Leviste, Johny Ponce Enrile, pamilyang Murray, Roxas, Ayala, Matias at Lopez na kumukontrol sa politika at eknomiya ng mga lalawigan. Kasosyo sa mga negosyo sina Gob. Dodo Mandanas ng Batangas at Helen Tan ng Quezon, kumokopo sila sa mga kontrata sa mga obras publikas at pagpapalawak ng lupain. Dahil dito, pamalagiang mag-aarmas at lalahok ang mga magsasaka sa digmang bayan na isinisulong ng BHB sa pamumuno ng PKP.
Hindi mauubos ang tulad ni Ka Joy/Zoe na isang rebolusyonaryong ina, babae’t Pulang mandirigmang katutubo dahil huwad ang National Commission in Indigenous People (NCIP), Indigenous Peoples Rignts Act (IPRA), National Greening Program (NGP) National Integrated Protected Area System (NIPAS Law/RA 7586) at mga katulad nito. Ang mga natukoy ay mga reaksyonaryong batas at ahensya na instrumento sa panglilinlang, konbersyon at pang-agaw ng lupa sa mga pambansang minorya ng bansa at lalawigan ng Quezon. Sa pamamagitan ng whole of nation approach kasangkapan na rin ng militar ang sibilyang ahensya sa pagwasak sa pagkakaisa ng pambansang minorya.
Sa kabilang banda, bantog sa kabulaanan, kahambugan, pabrika ng fake news at mga sinalamangkang impormasyon at datos ang komander, tauhan ng 85th IB at 59th IB Philippine Army. Katulad sila ng kanilang punong komander na si Marcos Jr at komander ng AFP na si Heneral Brawner. Ang ipinagmamalaki nilang mga ‘panalo, tagumpay at tropeo’ na nakukulapulan ng dugo ng magsasaka at mamamayan ang magsisilbing mitsa sa pagpapabagsak ng inaapi at pinagsasamantalahang masa sa naghaharing mga uri.
Kung kaya’t sa inspirasyon ninyong mga mahal na martir ng rebolusyon, ang dakilang pamana at armas na nabitawan ay tiyak na pupulutin ng api at pinagsasamantalahan mamamayan at ituturol sa mga kaaway ng rebolusyon. Sa yugtong ito ng ika-55 taon ng PKP at BHB, kasama kayo sa ultimong dahilan at pinagmumulan ng lakas. Upang patibayin ang di magagaping moog na mga baseng bukid, nakahanda ang PKM-TK na ilunsad ang kilusang pagwawasto sa pamamagitan ng pagwawaksi ng mga kahinaan sa ideolohiya, politika at organsisasyon. Ubos-kayang isusulong ng PKM-TK ang mga tungkulin at programa para sa pagkamit ng mas mataas na yugto ng digmang bayan hanggang sa ganap na tagumpay.