Pahayag

Mensahe ng KM sa isinagawang raling iglap

,

Isang mainit na rebolusyonaryong pagbati sa lahat ng kasapi ng Kabataang Makabayan sa buong bansa at mamamayang Pilipino na inaabot ng ating tinig!

Isang taas-kamaong pagpupugay ang aming inaalay para sa ika-61 na anibersaryo ng Kabataang Makabayan! Patunay ang dagdag na taon na ito na patuloy na dinadala ng rebolusyonaryong kabataan ang militanteng tradisyon ni Andres Bonifacio—ang walang kapantay na pagmamahal at pakikibaka para sa tunay na kalayaan at demokrasya ng ating bayan.

Binabati natin ang matagumpay at makasaysayang pagkilos ng mga kabataan sa mga pararalan, komunidad at lansangan kasama ang malawak na hanay ng masang anakpawis upang lagutin ang lahat ng korap at ibagsak ang nabubulok na burukrata kapitalismo.

Hudyat ng pagsabog ng iskandalo sa korapsyon ang sintomas ng paghihingalo ng naghaharing sistema sa gitna ng krisis na kinailangang itindig ang pinakamasahol na operasyon ng pagnanakaw at pananamantala ng dinastiya at negosyo gamit ang estado na nakita natin sa kasaysayan.

Katuwang pa ng burukrata kapitalista ang imperyalistang US upang kontrolin ang Pilipinas sa pamamagitan ng panghihimasok ng ambasador ng US sa imbestigasyon sa ICI. Pagtiyak ito na tatakbo pa ang sistema ng hatian at agawan ng yaman sa kumpas ng rehimeng Marcos. Susi ang pagbigay istabilidad sa rehimen para manaig ang interes nito sa Asya-Pasipiko kontra sa Tsina.

At higit lalo, ang patuloy nitong panghuhuthot ng kita mula sa pagpapatupad ng mga neoliberal na patakarang pinapanatili ang pagiging import dependent at export oriented ng ating banasa. Bilang resulta tagos sa sikmura ng mamamayan ang patuloy na pagsirit ng presyo ng mga bilihin, pambabarat sa sahod, at pangangakam ng lupa sa’ting bansa. Kinakasangkapan pa nito ang AFP, PNP, at NTF-ELCAC upang magpalaganap ng pasismo at pahupain ang galit na mamamayan.

Puros reporma ang pangako ng imperyalistang US at Mrcos Jr. katuwang ang Akbayan na nililigaw ang mamamayan at nag-aastang oposisyon ngunit sa katotohanan ay pinapaypayan lamang ang ilusyon ng mga palamuting reporma para lamang matiyak ang pwesto sa darating na 2028 na halalan.

Ang tanging totoong landas sa pagbabago ay sa pagwagi lang ng demokratikong rebolusyong bayan na may sosyalistang perspektiba. Wala nang aasahan sa gobyerno at sistema na ito. Sa kapwa kabataan, tanong na lang ito kung sino ang unang tatapusin: tayo o ang imperyalismo

Isulong natin ang kilusang protesta tungong kilusang talsik at maging kilusang welga at iba pang anyo ng pakikibaka para sa demokratikong karapatan at sa pagpapabagsak din sa Imperyalismo, Pyudalismo at Burukrata Kapitalismo.

Sa ating paglubog sa masa, mapangahas nating pandayin ang ating paninindigan hanggang dumami nang dumami ang nagpapasyang sumapi sa Bagong Hukbong Bayan, buhay man ay ialay. Liwanag sa dulo ng lagusan ang digmang bayan na syang tunay na pag-asa ng mamamayang Pilipino upang makalaya sa Imperyalismo, Pyudalismo, Burukrata Kapitalismo!

Panahon na upang ating baguhin ang lipunan, nakalatag na ang mga batayan para tayo ay tumungo sa kanayunan! Bagtasin ang mga kabundukan bilang mga kasapi ng NPA! Sumanib sa pakikibakang masa! Ipagtagumpay ang demokratikong rebolusyong bayan na may sosyalisyang kinabukasan!

Mabuhay ang Kabataang Makabayan!
Mabuhay ang Partido Komunista ng Pilipinas!
Mabuhay ang sambayanang lumalaban!

___
Mensahe ng KM na binasa sa isinagawang raling iglap ng mga myembro ng KM noong Disyembre 5 sa Legarda Street sa Maynila.

Mensahe ng KM sa isinagawang raling iglap