Pahayag

Ka Louie Jalandoni, 90

Labis naming ikinalulungkot na ibalita ang pagpanaw ni Ka Louie Jalandoni, minamahal ng masa, tunay na internasyunalista, rebolusyonaryong lider at matatag na tagapagtaguyod ng kapayapaan. Mapayapa siyang pumanaw sa ganap na alas-9:05 ng umaga sa Utrecht, the Netherlands (03:05 ng hapon, oras sa Pilipinas) noong Hunyo 7, 2025. Siya ay 90 taong gulang.

Sa kanyang mga huling sandali, kapiling niya ang mga kasama, ang kanyang asawang si Ka Coni, at kanyang pamilya. Ipinapaabot ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Pilipinas ang pakikiramay nito sa pamilya ni Ka Louie, na ang pagmamahal, lakas, at suporta ay naging kanyang sandigan sa mga dekada ng paglilingkod sa rebolusyonaryong adhikain ng sambayanang Pilipino.

Komite Sentral
Partido Komunista ng Pilipinas

National Council
National Democratic Front

Ka Louie Jalandoni, 90