Kababaihang anakpawis, isanib ang lakas sa kilusang anti-imperyalista sa buong daigdig! Mag-armas, at sumanib sa rebolusyonaryong armadong kilusan sa kanayunan!
Imperyalismo, ibagsak! Gapiin ang mapanghimasok na gyera ng imperyalistang US! Ito ang dumadagundong na panawagan ng mga kababaihang anakpawis mula sa iba’t ibang panig ng daigdig ngayong araw ng Marso 8, Pandaigdigang Araw ng Kababaihang Anakpawis.
Bahagi ang Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan o MAKIBAKA sa kumukondena sa mga serye ng pakikidigmang inilulunsad ng US laban sa mamamayan ng Palestina, Venezuela, Iran, Lebanon, at Ecuador. Malinaw na ang katangian ng kasalukuyang imperyalistang digmaang pinangungunahan ng US ay mapangwasak, mapanghimasok, at genocidal. Layunin nitong iligtas ang sarili sa pabulusok na pagbagsak sa ekonomiya sa pamamagitan ng pagkontrol sa mayamang rekurso ng langis at mineral at pagtambak sa sobra-sobrang produksyon sa kagamitan at teknolohiyang pandigma.
Walang pakundangan na nilalabag ng US at kasapakat nitong Zionistang Isarael ang international humanitarian laws at protocols sa pakikidigma. Ang pambungad na atake ng US-Israel sa Iran ay nambiktima sa mga sibilyan nang ang sadyang pinuntirya ay ang paaralan na kumitil sa buhay ng mahigit 160 batang babae. Hindi kayang ipagtanggol at idahilan, kahit ng mga hibang na tagasunod ng US at mapagpanggap na maka-kababaihang grupo sa kanluran at sa Pilipinas na ang digmaan ito ay para diumano itaguyod ang demokrasya at pagpapalaya sa kababaihan.
Habang pinapalawak ng US-Israel ang digmaan ay patuloy ang walang singlupit sa kabangisan ang rehimeng Netanyahu sa pakana nitong burahin ang mamamayang Palestino sa daigdig sa pamamagitan ng malawakang pamamaslang sa pinakabrutal na paraan. Ilampung libo na ang namatay na mga kababaihan at bata dahil sa mga pakundangang mga pambobomba sa lupain ng mga Palestino. Wasak na ang mga ospital at iba pang imprastrukturang kung saan naitatala ang dagdag na pagkamatay ng mga sanggol, maysakit at mga sugatan.
Sa Gitnang Silangan, mahigit sa 2 milyong migranteng manggagawang Pilipino ang naiipit sa gyera, mahigit kalahati sa kanila ang kababaihang nagtatrabaho bilang kasambahay at sa services industry. Bukod sa napakabagal na tugon ng gobyernong Marcos Jr., sa kalagayan ng mga Pilipinong naiipit sa gyera, ipinapatanggap rin sa mga OFWs na walang hanapbuhay na naghihintay sa kanila sa Pilipinas. Ito ay natural at di maiiwasang patutunguhan ng bansang tulad ng Pilipinas na ang nakaasa sa murang pagbebenta ng kanyang mamamayan sa ibang bansa para buhayin ang ekonomiya.
Nagreresulta rin ang sigalot sa Gitnang Silangan sa pagsirit ng presyo ng petrolyo sa pandaigdigang pamilihan. At para sa bansang tulad ng Pilipinas kung saan may deregulasyon sa langis, inaabuso ng kartel ang pagtaas ng presyo na walang ibang ibig sabihin kundi pagtaas rin ng presyo ng mga bilihin at singil sa mga yutilidad na nakasalalay sa langis.
Sumasang-ayon at sumusuporta ang Makibaka sa panawagan ng mga demokratikong pwersa, mga civil society, mga maliliit na negosyante sa pag-alis sa excise at value added tax sa langis at iba pang regressive tax sa utilidad upang maibsan ang epekto ng krisis sa mamamayan. Wasto at napapanahon na din na ibigay na ang hinihinging umento sa sahod ng mga manggagawa para kahit paano ay makaagapay sa napipintong pagsirit ng presyo ng pangunahing bilihin at yutilidad. Anuman ang pinangangambahang mawalang revenue sa pamahalaan ay pwedeng mabawi sa pamamagitan ng pagbubuwis at paghahabol sa malalaking burgesya komprador na aabot ng trilyones ang utang sa gobyerno, at sa paghahabol para maisauli ang bilyones na ninakaw ng mga burukrata kapitalista. Sa pangmatagalan, panahon na para ipawalang-bisa ang Oil Deregulation Law, isabansa ang industriya ng langis at enerhiya, at ituon ang pangunahing paggamit nito para konsumo ng bansa at hindi sa pribadong kita sa pag-eexport.
Tunay na inutil si Marcos. Bukod sa panawagan sa hikahos na ngang mamamayan na maghigpit pa ng sinturon, walang mga konkreto at pangmatagalang solusyong inihahain ang rehimen ni Marcos Jr. Sa gitna ng napipintong krisis na nakaamba dahil sa gyera ay magagawa pa nyang magbyahe sa Estados Unidos sa Marso 9-10!
Hindi din magawang pakalmahin ng Armed Forces of the Philippines ang mamamayan sa pangambang madamay tayo sa gyera ng US. Kanda-ugaga sila sa pagtatakip na hindi mga US bases ang siyam na EDCA sites sa Pilipinas samantalang patuloy ang pag-iimbak ng malalakas na armas na pandigmma nito sa Pilipinas at panay-panay ang paglulunsad ng padami nang padaming joint military exercises kasama ang Australia, Japan, at Korea. Dahil sa mga EDCA sites na ito mistulang kumakaway ang Pilpinas bilang target sa pag-atake ng mga kaaway ng imperyalistang US. At sa takbo ng isip ng isang utak-missile na katulad ni Trump, hindi malayong itutok nito sa mga kalabang bansa sa Asya ang mga susunod na pag-atake.
Bukod sa krisis pang-ekonomiya, kahirapan at banta ng gyera, kasabay na bumabagabag sa kababaihan ang patuloy at lumalalang kaisipang atrasado–ang pagtingin at pagturing sa kababaihan bilang sex objects at dapat ay nakakulong lamang sa bahay. Ang malalang kaisipang ito ay ipinapalaganap ng mga matataas na opisyal ng gobyerno na tumindi sa panahon ni Rodrigo Duterte na ipingalandakan ang mysoginy at pagkamuhi sa kababaihan. Hindi nakakapagtataka kung gayon na tumataas at lumalala ang insidente ng paglabag sa karapatan at paglapastangan sa mga kababaihan, ayon mismo sa estadistika ng PNP. Para sa mga kababaihang anakpawis, pabigat nang pabigat ang pasanin–kumakayod nang doble at triple, sukdulang ipagbili ang katawan para buhayin ang pamilya, pero itinuturing pa ding mahina, pambahay, at parausan. Sistematiko ang pambibiktima dahil kahit kailan walang interes ang mga naghaharing-uri upang baguhin ang kalagayang ito ng kababaihan, walang itinayong istruktura upang suportahan ang lubusang paglaya ng kababaihan mula sa pang-aaping pyudal-patriyarkal, sa halip ay mas ibinaon pa sa kumunoy sa pamamagitan ng mga polisiyang lalong nagbabaon sa kumunoy ng pagsasamantala.
Sa gitna ng alimpuyo ng digmaan at kaliwa’t kanang krisis sa kabuhayan at paggana ng lipunan, at sa pag-atake sa kababaihan, ang mga kababaihang anakpawis ay kailangang maging mapagpasya upang palakasin ang pandaigdigang kilusang kababaihan na aktibo sa lahat ng larangan ng paglaban sa imperyistang hegemonyo–mula sa mga protesta sa lansangan, mga welga sa pagawaan, at higit sa lahat sa paghawak ng armas bilang bahagi ng mga rebolusyurayo at mapagpalayang kilusan sa kani-kanilang bayan. Lantad na ang kainutilan ng mga internasyunal na multi-lateral na ahensya katulad ng UN sa pagiging inutil at kasapakat ng mga imperyalista. Kailangang bawiin kababaihan mula sa kooptasyon at panlilinlang ng imperyalista at muling palakasin ang rebolusyunaryong kilusang kababaihan. Hindi tayo ililigtas ng tokenismo sa atake ng imperyalismo at hindi tayo palalayain sa kadena ng pang-aapi at pagsasamantala.
Tinatawagan ng MAKIBAKA ang lahat ng progresibo at masang kababaihan sa loob at labas ng bansa, na higit pang palawakin ang demokratikong kilusang at labanan ang mga digmaang sinusulong ng imperyalistang US. Itaguyod ang tunay na kapayapaang nakabatay sa paggapi ng paghahari ng imperyalistang US sa daigdig.
Tinatawagan ng MAKIBAKA ang lahat ng rebolusyonaryong kababaihang Pilipino na paigtingin ang paglaban sa imperyalismong US bilang pinakamahalagang kontribusyon natin sa pagpapabagsak ng paghaharing US sa daigdig. Pabilisin ang pagpapasampa ng kababaihang pulang mandirigma para sa mabilis at mapangahas na pagsusulong na armadong pakikibaka.
Lagi at lagi, katulad ni Lorena Barros at pinatunayan ng maraming rebolusyonaryong kababaihan, ang papel ng kababaihan ay sa pakikibaka. Ang paglaya ng kababaihan ay nasa paglaya ng mamamayan mula sa imperyalismo, burukrata kapitismo, at pyudalismo.
Gapiin ang imperyalismo, burukrata kapitalismo, at pyudalismo!
Makibaka, huwag matakot!
Itayo ang lipunang sosyalismo para sa tunay na kalayaan, kapayapaaan, hustisya, at pagkakapantay-pantay!