Pahayag

Kabataang Lagunense, suungin ang rebolusyonaryong landas ng Partido Komunista ng Pilipinas! Isulong ang demokratikong rebolusyong bayan hanggang sa ganap na tagumpay!

Pinagpupugayan ng Kabataang Makabayan Laguna at ng lahat ng rebolusyonaryong kabataang Lagunense ang Partido Komunista ng Pilipinas sa ika-57 anibersaryo ng pagkakatatag nito at pagtangan ng tungkulin bilang haligi ng masa at sandata ng demokratikong rebolusyong bayan! Mabuhay!

Sa ika-57 taon ng Partido, pinagpupugayan natin ang mapagpasyang pamumuno nito para makamit ang pambansang demokrasya at maibagsak ang bulok na sistemang umiiral sa nananatiling malakolonyal at malapyudal na lipunan. Pinagpupugayan natin ang lahat ng mga kasapi ng Partido at mga Pulang mandirigma na patuloy na nag-aalay ng kanilang lakas at talino para sa sambayanan.

Sa okasyong ito, nais din nating bigyang pugay ang mga haligi ng rebolusyong Pilipino tulad nina Jose Maria Sison, Luis Jalandoni, Fidel Agcaoili, Benito Tiamzon, Wilma Austria, Josephine Mendoza, at lahat ng iba pang mga bayani at dakilang komunista na binigay ang buong buhay nila sa hangaring mapatag ang tatlong bundok ng imperyalismong US, pyudalismo, at burukratang kapitalismo. Gayundin, nais namin pagpugayan ang mga magigiting na anak ng bayan na namartir sa masalimuot na pakikidigma, tulad nina Jeramie “Ka Ash” Garcia, John Carlo “Ka Yago” Alberto, Abegail “Ka Laura” Bartolome, Alyssa “Ka Ilaya” Lemoncito, at ang libu-libo pang iba. Kayo ang mga nagpapatuloy na inspirasyon ng kabataang Lagunense para tahakin ang rebolusyonaryong landas ng pakikibaka hanggang sa tagumpay.

Ang nagpapatuloy na pamumuno ng PKP sa pakikipaglaban alang-alang sa pagsusulong ng mga batayang karapatan ang nagniningas sa damdamin ng mga kabataan na lumahok sa lahat ng porma ng pakikibaka: mula sa mga militanteng mobilisasyon hanggang sa pagtangan ng armas at paglahok sa matagalang digmang bayan.

Mula nang itatag ang Partido noong 1968, matapang na hinarap nito ang rebisyunismo at nagwasto mula sa mga kamalian. Ang muling pagkakatatag ng Partido batay sa masigasig na paglapat ni Tagapangulong Jose Maria Sison ng teorya ng Marxismo-Leninismo-Maoismo ang siyang susi ng mga kabataang rebolusyonaryo at aktibista sa pagpapasidhi ng pagmamahal sa bayan at kritikal na perspektiba ng taumbayan na siyang nakakapagpalakas ng pwersa para sa digmang bayan.  Nagsilbing matatag na muog ng rebolusyonaryong pakikibaka ang Partido at Bagong Hukbong Bayan laban sa diktadurang US-Marcos, at naging instrumental sa paglatag ng programa ng pambansa-demokratikong rebolusyon laban sa imperyalismo, pyudalismo, at burukrata kapitalismo na tahasang pinapagana ng mga naghaharing uri. Hinarap muli ng Partido ang kamalian at pagwawasto sa dekada 80 at 90, at matagumpay muling nakaigpaw sa mga tangka ng mga rebisyunistang taksil na idiskaril ang rebolusyon.

Hindi matatawaran ang sakripisyo ng Partido sa sambayanang Pilipino at ang legasiya na ito ang dumadaloy sa diwa ng mga kabataang rebolusyonaryo na ipunyagi ang masa mula sa imperyalistang US, mga malalaking burgesya komprador, mga panginoong maylupa, at mga burukrata kapitalista.

Sa kasalukuyan, nagsisilbing inspirasyon ang matapat na pagharap ng Partido sa kasalukuyang kilusang pagwawasto. Takda ng isang tunay na Marxista-Leninistang partido ang pagiging tapat sa punahan at puspusan sa pagpapanibagong hubog. Bagama’t marami pang kailangang paunlarin, nakikita natin ngayon ang panimulang resulta ng pagwawasto nito sa mga ngipin-sa-ngipin na pakikipaglaban sa kanayunan at kalunsuran. Umaasa ang KM Laguna na sa mga darating na panahon, patuloy na susulong ang PKP at BHB tungo sa mas malalaking tagumpay.

Lalong mahalaga ngayon ang pagwawastong isinusulong ng Partido sa panahon ng tumitinding krisis sa lipunang Pilipino. Napakainam ng sitwasyon ngayon para sa rebolusyonaryong kabataan para isulong ang pambansang demokrasya na may sosyalistang perspektiba. Dapat nating puspusang pag-aralan ang teorya ng Marxismo-Leninismo-Maoismo at isapraktika ito sa pamamagitan ng masikhay na pakikibaka, matapat na paglingkod sa sambayanan, at matapang na pagsulong ng matagalang digmang bayan.

Sa pambansang antas, lalong nalalantad ang bulok na katangian ng rehimeng US-Marcos II. Bilang pangunahing padron ng katiwalian, hindi niya kayang ipagtakpan ang sindikatong pamamahala ng estado na nakatuon lamang sa pagkamal ng papalaki at papalaking yaman ng bansa. Tumitindi ang krisis sa ekonomya kasabay ng papahinang hawak ni Marcos sa poder. Sa ngayon, nakaabang ang paksyon ni Duterte sa paghina ni Marcos upang makabalik sa pwesto sa lalong madaling panahon. Samantala, desperadong kumakapit si Marcos sa imperyalismong US at sa mga galamay nito sa Pilipinas – ang AFP, mga dayuhang negosyante, at ang paksyon ng Liberal Party at Akbayan – para manatili sa kapangyarihan. Sa kasalukuyan, nananatiling nasa interes ng US na panatilihin si Marcos dahil sa mga balak nitong maglunsad ng inter-imperyalistang bangayan laban sa China.

Tumatagos ang ganitong krisis sa hanay ng kabataan. Namamayagpag ang neoliberal na edukasyon na syang mahigpit na sumasagupa sa karapatan ng mga estudyante sa malayang pagpapanday ng kanilang mga intelektwal na kapasidad. Nagdurusa ang mga estudyante sa nagtataasang matrikula, mababang bilang ng pampublikong paaralan, at kakulangan ng pambasang badyet sa edukasyon. Itinuturing na mga produkto ang mga estudyante sa loob ng mga pasilidad ng pamantasan at paaralan sa pagsasaalang-alang o pagbibigay prayoridad ng kasalukuyang sistema ng edukasyon sa banyagang interes o kapitalismo. Nasasadlak din ang mga kabataan sa lantarang korapsyon ng pamahalaan na nagbibigay daan sa mga inhustisya.

Sa mga hamon na itong dala ng mapagsamantalang kalakaran ng estado, marahas na tumitindig ang mga kabataan sa kanilang mga karapatan. Ang mga kabataan-estudyante ay pinagpapatuloy ang nagkakaisang pagpapalawak ng hanay para basagin ang mga pader na itinatayo ng sistemang naglalayon na ikulong ang masa sa liberalismo at indibidwalismong isipan.

Mulat ang kabataan na sa pamamagitan lamang ng marahas na digmaan makakamit ang tunay na pagbabago ng lipunan. Pinatunayan na ng kasaysayan ano ang papel ng kabataan para sa panlipunang pagbabago. Sa kasalukuyan, lalong pinatatatag ng mga kabataang rebolusyonaryo ang kanilang gampanin at hangarin na wakasan ang sistema na sa ilang heneresyon nang tumutunggali. Hangga’t hindi natatamasa ang kalayaan sa edukasyon ng mga kabataan ay hindi magtatapos ang laban.

Kasama ng Partido ang kabataang Lagunense sa pagbagtas ng landas ng mga tunay na bayani ng bayan. Ang mabugsong pagsusulong ng demokratikong rebolusyong bayan na tanging makakabasag sa hindi makatarungan na lipunan ang tumatayong sandata ng kabataang-estudyante sa pagmulat, pag-oorganisa, at pagmomobilisa ng iba’t ibang batayang sektor. Bilang mga anak ng bayan, patuloy na ipaglalaban ng mga kabataan ang mga batayang karapatan na tunay at tuluyan na makakamit lamang sa pagpapanalo sa digmang bayang magpapabagsak sa mapagsamantala’t naghaharing sistema ng imperyalismo, pyudalismo, at burukrata kapitalismo.

Panata ng Kabataang Makabayan sa lalawigan ng Laguna na magpapatuloy ang rebolusyonaryong hanay ng kabataan sa pagsulong ng pambansa demokratikong rebolusyon! Sa kanayunan, patuloy nating itataas ang Pulang bandila ng rebolusyon at magpapasampa ng laksa-laksang kasapi sa Bagong Hukbong Bayan. Sa kanayunan, matalino nating itatatag ang mga organo ng kapangyarihang pampulitika sa lahat ng sulok ng ating lalawigan. Darating ang pagsikat ng Pulang silangan kasabay ang tagumpay ng sambayanan.

Mabuhay ang Partido Komunista ng Pilipinas!

Mabuhay ang Bagong Hukbong Bayan!

Mabuhay ang National Democratic Front of the Philippines!

Kabataang Lagunense, isulong ang digmang bayan! Sumapi sa NPA!

Kabataang Lagunense, suungin ang rebolusyonaryong landas ng Partido Komunista ng Pilipinas! Isulong ang demokratikong rebolusyong bayan hanggang sa ganap na tagumpay!