Pahayag
KM-Quezon, nagsagawa ng operation pinta
Bitbit ang panawagang “rebolusyon hindi eleksyon,” mapangahas na pinintahan ng mga rebolusyonaryong kabataan ng KM-Dani Lagrama ang mga pader sa lalawigan ng Quezon. Giit nila, ang eleksyon sa ilalim ng mala-kolonyal at mala-pyudal na lipunan ay laro lamang ng iilang mga naghaharing uri tulad ng pangkating Marcos at Duterte upang ipangalandakan ang huwad na demokrasya. Inilalantad ng reaksyunaryong eleksyon ang pagpapalit-palit ng mukha ng mga papet ng Imperyalismong US kasapakat ang mga lokal na panginoong maylupa at malalaking burgesya komprador.




KM-Quezon, nagsagawa ng operation pinta