Pahayag

Krisis sa Langis, Pasakit sa Masa: Kabataan, Mag-organisa at Sumapi sa Bagong Hukbong Bayan!

, ,

Isang mapula at militanteng pagbati ng pakikipagkaisa sa lahat ng mga kabataang hindi nagbubulag-bulagan sa hagupit ng krisis at sa masang anakpawis na patuloy na naninindigan sa gitna ng malupit na pagsasamantala!

Mainit na binabati ng Kabataang Makabayan John Paul Calica ang bawat kasapi ng Kabataang Makabayan na patuloy na nagsisilbing mitsa ng pag-aalsa sa loob ng mga unibersidad at sa kaibuturan ng mga komunidad, bitbit ang layuning gisingin ang diwa ng ating henerasyon laban sa walang-awat na pagtaas ng presyo ng langis at sa papatinding kahirapan.

Sa gitna ng lumalalang krisis pang-ekonomya, muling hinahagupit ang sambayanang Pilipino ng sunod-sunod at walang-habas na pagtaas ng presyo ng langis. Ang bawat sentimong idinaragdag sa bawat litro ay hindi lamang numero—ito ay bawas sa bigas, bawas sa baon ng mga estudyante, at dagdag na pasanin sa mga drayber at magsasakang nagkakandarapa na sa paghahanap ng ikabubuhay. Ang mga ito ay hindi lamang simpleng pagdaing, kundi isang matapang na hamon sa rehimeng US-Marcos II. at sa mga dambuhalang kartel ng langis na nagpapakasasa sa bilyong-bilyong tubo habang lugmok sa gutom ang sambayanan.

Tandaan natin na ang kasalukuyang krisis ay hindi aksidente; ito ay bunga ng isang sistemang nakadisenyo para dambungin ang mahihirap. Ang Oil Deregulation Law ay nagsisilbing lisensya ng mga kartel upang diktahan ang presyo ng bilihin, habang ang gobyerno ay nananatiling sunud-sunuran sa dikta ng imperyalismo.

Sa harap ng bweladong krisis na ito, hindi sapat ang manatili sa loob ng mga silid-aralan; ang panahong ito ay humihingi ng ating mabilis na pag-ugat sa masa at ang pagyakap sa pinakamataas na anyo ng pakikibaka sa kanayunan. Kaya naman tinatawag ng Kabataang Makabayan John Paul Calica ang iba pang kasapi ng Kabataang Makabayan na basagin ang katahimikan at limitasyon ng mga silid-aralan upang harapin ang realidad ng masidhing kahirapan. Sa pamamagitan ng masigasig na propaganda at pag-aaral, dapat nating ituro na ang krisis sa langis ay direktang bunga ng imperyalistang kontrol at pyudal na pagsasamatala na nagpapanatili sa bansa bilang isang neokolonya. Ang ating kasaysayan ay saksi sa lakas ng nagkakaisang kabataan na lumalahok sa mga welgang bayan, at sa panahong ito ng bweladong krisis, higit na kailangang maging mitsa ang galit upang payabungin ang apoy ng pag-aalsa.

Sariwa pa sa ating alaala ang militanteng pakikilahok ng Kabataang Makabayan sa mga makasaysayang welgang bayan at transport strike noong dekada ’70 at maging noong panahon ng rehimeng Arroyo. Noon pa man, ang kabataan ay hindi lamang nanood sa telebisyon; sila ay tumutungo sa mga kalsada, hinarangan ang mga depot ng langis, at nakipagkapit-bisig sa mga drayber at manggagawa upang paralisahin ang komersyo ng mga mapagsamantala.

Gayunpaman, dapat nating kilalanin na ang rurok ng ating militansya ay hindi matatagpuan sa semento ng lungsod o sa pansamantalang reporma ng reaksyunaryong gobyerno. Ang tunay at tanging solusyon sa paulit-ulit na hagupit ng krisis sa ekonomya ay ang pagpili sa landas ng armadong pakikibaka. Ang kanayunan ang estratehikong larangan kung saan ang lakas ng kabataan ay nagiging bakal at kung saan ang ating pambansang demokratikong mithiin ay nakaugat sa lupaing ipinaglalaban ng mga magsasaka. Ang bawat sentimong idinaragdag sa presyo ng langis ay dapat magsilbing hudyat para sa bawat kabataang makabayan na lumabas sa kanikanilang komportableng pamumuhay, iwanan ang lungsod, at tumungo sa piling ng masa sa kanayunan. Doon, sa pagsapi sa Bagong Hukbong Bayan, tunay nating mabubuwag ang kapangyarihan ng mga mapagsamantala at maitatayo ang isang lipunang tunay na malaya, makatarungan, at may sariling industriyang hindi bihag ng dayuhan.

Singilin at panagutin ang rehimeng US-Marcos II sa kahirapan ng masa! Wakasan ang Oil Deregulation Law! Kabataan, tumungo sa kanayunan at sumapi sa Bagong Hukbong Bayan! Mabuhay ang Kabataang Makabayan!

Krisis sa Langis, Pasakit sa Masa: Kabataan, Mag-organisa at Sumapi sa Bagong Hukbong Bayan!