Kundenahin ang pinatinding pambobomba ng Israel sa Gaza sa harap ng mga panawagan para sa makataong tigil-putukan

,
Ang artikulong ito ay may salin sa EnglishChinese

Nakikiisa ang Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) sa mamamayang Pilipino at mga mamamayan sa buong daigdig sa pagkundena sa Zionistang gubyerno ng Israel sa kautusan nitong ibayong patindihin ang pambobomba sa Gaza, kung saan higit dalawang milyong Palestino ang ngayo’y nagdurusa sa isang sakuna sa sangkatauhan.

Ang ibayong pagpapatindi sa pambobomba ay isang araw kasunod ng malinaw na malinaw na pagpabor ng United Nations General Assembly para sa makataong tigil-putukan para ihinto ang henosidyo laban sa mamamayang Palestino. Kinukundena ng mamamayang Pilipino ang rehimeng Marcos na nag-abstain sa naging botohan, na pagpapakita ng suporta sa Israel sa pagpatay sa mga Palestino.

Sa suporta ng imperyalistang US, ipinagpapatuloy ng Zionistang Israel ang pagsasagawa ng mala-halimaw at kahindik-hindi na krimen laban sa sangkatauhan na tahasang binabalewala ang internasyunal na makataong batas. Pumatay na ito ng 7,703 katao, kabilang ang higit 3,595 bata, sa walang-tigil na pambobomba nito.

Lumalakas ang mga panawagang patalsikin ang gubyernong Netanyahu. Para wakasan ang henosidyong ito, ang pasistang mga namumuno sa Israel ay dapat mapatalsik at papanagutin sa lahat ng kanilang mga krimen.

Kundenahin ang pinatinding pambobomba ng Israel sa Gaza sa harap ng mga panawagan para sa makataong tigil-putukan