Magsilbing tanglaw tungo sa rebolusyonaryong landas! Kaisahin ang malawak na mamamayan at palakasin ang digmang bayan!
Tinatawag namin ang atensyon ng masang pinagbubuklod ng ating interes na lumaya sa pagsasamantala. Kami sa ARMAS-Ka Soral Malaya kasama ang mga nagkakaisang pwersa mula sa iba’t ibang sektor ay nagbubuklod upang mapanagot ang mga nanggagatas sa atin na nakaluklok sa pamahalaan. Ang mga mandarambong na ito sa gobyerno ay naninilbihan sa imperyalistang Estados Unidos, at hindi sa mamamayan. Sa pamamagitan ng samu’t saring dayuhang pautang, kinakalakal ng mga burukrata kapitalista ang ating mga karapatan at ibinibenta ito sa mga imperyalistang dayuhan at mga kasabwat nitong lokal na naghaharing uri. Tinutulak ng imperyalismo ang mababang sahod ng mga manggagawa, kawalan ng lupa ng magsasaka, at kawalan ng samu’t saring karapatan, sa panirahan, sa kabuhayan, kalusugan, pamamahayag, kasarian, at iba pa.
Ang pondong dapat inilalaan sa mga pangunahing serbisyo ay nauuwi sa bulsa ng mga korap at sa pasismong patuloy na kumikitil sa buhay ng mga mamamayan. Ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at ang Philippine National Police (PNP) ang mga pangunahing tagapagtanggol ng mga peste, korap at pasista na sina Marcos Jr. at Sarah Duterte at sa kanilang mga kasapakat na kontraktor at kapitalista. Isang malaking kawalanghiyaan ang walang patumanggang pagtataas ni Marcos Jr. ng pondo ng berdugong AFP, habang patuloy na naghihirap ang mamamayan dulot ng korapsyon. Walang ibang layunin ito kundi panunuhol upang patuloy na magpakatuta ang mga militar sa nabubulok niyang administrasyon. Katulad na lamang ng pag-insulto at pagbalewala ng AFP, sa utos ni Marcos Jr, sa inanunsyong 4 na araw na tigil putukan ng Partido para sa New People’s Army at mga pulang kadre. Senyales ang malaking pagpopondo sa pasismo na nanginginig na sa takot ang tuhod si Marcos Jr. Ito rin ay tanda ng kanyang desperasyon sa nagbabadyang pag-aaklas ng sambayan.
Kinikilala at sinusuportahan namin ang rebolusyonaryong landas na tinatahak ng maraming Pilipino. Wasto na isulong ang makatarungang dahas ng armadong pakikibaka na may kapangyarihang wakasan ang kahirapang dulot ng Imperyalismo, Pyudalismo at Burukrata Kapitalismo. Ito ay armadong pakikibakang lumalaban nang patas, armas sa armas, kontra sa berdugong estado. Ito ang karahasang hindi nang-aapi, ngunit karahasang nagpapalaya. Ito ang karahasang hindi kasakiman ang bala, kundi ang pag-ibig sa kapwa at sa tinubuang lupa.
Malugod na tinatanggap ng rebolusyonaryong puwersa ang anumang suporta sa pakikibaka. Ngunit, higit sa lahat, hinihikayat namin ang mamamayan na tumungo sa kanayunan, magsilbi sa masa at sumapi sa Bagong Hukbong Bayan. Maging sundalo para sa mamamayan, hindi para sa mga naghaharing uri.
Mula rito desidido ang rebolusyonaryong puwersa na labanan ang mga taksil sa sambayanan at sa rebolusyon, katulad ng duwag na si Job David. Si Job David ay dating Iskolar ng Bayan mula sa Kolehiyo ng Sining Biswal ng Unibersidad ng Pilipinas na noo’y nagpasya na sumapi sa Bagong Hukbong Bayan. Sa kabila ng pagkupkop, pagpapakain, at pagtatanggol sa kaniya ng masang magsasaka at katutubo, kaniyang ipinagkanulo ang rebolusyonaryong kilusan sa kaaway para sa kaniyang sariling interes. Siya ay nagpalamon sa kaniyang petiburges na tendensiyang indibidwalismo at palasuko. Ang kataksilang ito ay hindi malilimutan ng rebolusyonaryong kilusan hanggang sa panahon ng paniningil ng taumbayan. Mas mabuti pang yakapin ang kamatayan ng may dangal sa prinsipyo’t paninindigan, kaisa pagtaksilan ang dakilang rebolusyon na magpapalaya sa daigdigan.
Hamon sa atin na iwaksi ang mga petiburges na tendensiya na siyang hindi naigpawan ng taksil na si Job David. Tuloy ang ating kampanyang pag-aaral upang lumalim ang ating pagtanggap sa programa ng demokratikong rebolusyong bayan, sa programa ng matagalang digmang bayan. Sa puspusang pag-aaral sa Marxismo-Leninismo-Maoismo, ating mauunawaan na tiyak at hindi mapipigilan ng reaksyunaryong puwersa ang nagbabadyang tagumpay ng taumbayan. Ang paghihirap at sakripisyo ay kakambal ng rebolusyon. Punuin ang puso ng pag-asa, at tanawin ang malayang kinabukasan sa ilalim ng pulang umaga. Higit sa lahat, tayo ay makipamuhay sa mga batayang sektor ng manggagawa, magsasaka, at mga maralita. Sa ating pagsandig at pagkilala sa kanilang mga karanasan, tiyak na kanilang ihahandog sa rebolusyonaryong kilusan ang kanilang suportang magpapalaya.
Ang rebisyunismo ay anay na sisira sa kawastuhan ng pamamaraan ng ating paglaban. Ang puspusang pag-aaral ng teorya at pagsasapraktika ng ating karunungan ang ating sulo sa kadiliman ng pagkalito. Magwasto at humalaw ng pagkatuto mula sa mga nakaraang pagkakamali. Ito ay panata ng mga Artista at Manunulat para sa Sambayanan, kasama ang malawak na hanay ng Pambansang Nagkakaisang Prente. Sa ilalim ng bagwis ng Partido Komunista ng Pilipinas, at sa bigwas ng Bagong Hukbong Bayan, hindi mapipigilan ang katiyakan ng tagumpay ng sambayanan! Sa tunggalian ng mga uri, tiyak ang pangingibabaw ng uring proletaryo!
Bilang pagtatapos, simboliko naming paiilawin ang mga lampara na may mukha ng mga pasista, korap, at pahirap sa sambayanan na sina Marcos Jr. at Sarah Duterete. Ito ay mitya ng pagkasunog ng sistemang pahirap sa ating bayan. Sa abo ng mga naghaharing uri, itatayo natin ang ating gobyernong bayan at itatatag ang sosyalistang lipunan!
Mabuhay si Archie ‘Soral Malaya’ Arceta!
Mabuhay ang lahat ng martir at bayani ng sambayanan!
Mabuhay ang ika-57 anibersaryo ng Partido Komunista ng Pilipinas!
Mabuhay ang National Democratic Front of the Philippines!
Mabuhay ang Bagong Hukbong Bayan!
___
Pahayag ng Armas-Ka Soral Malaya sa inilunsad na raling iglap ng mga alyadong organisasyon ng National Democratic Front of the Philippines sa Lantern Parade sa UP Diliman noong Disyembre 17. Nasa ibabaa ang mga larawan ng rali.



