Pahayag

Mainit ang pagsuporta ng KM-Cavite kay Kasamag Cleo Del Mundo, Bagong Tagapagsalita ng Melito Glor Command–NPA ST!

Malugod na ipinaaabot ng Kabataang Makabayan Cavite (Balangay Cristina Catalla) ang suporta at pagbati kay Kasamang Cleo del Mundo bilang bagong tagapagsalita ng Melito Glor Command New People’s Army Southern Tagalog (NPA-ST)!

Ang kasaysayan ng pakikibaka ni Kasamang Cleo mula sa pagiging kasapi ng Kabataang Makabayan sa lalawigan ng Quezon, ipinakita niya ang walang humpay na paglilingkod sa masa sa pamamagitan ng pagiging isang mahusay na propagandista at organisador ng mga kabataan. Nang sumapi siya sa Bagong Hukbong Bayan, itinalaga siya bilang tagapagsalita ng Apolonio Mendoza Command- NPA Quezon.

Ang kaniyang malakas na rebolusyonaryong diwa at matalas na suri ay magsisilbing inspirasyon sa mga kabataan na tumangan nang mahigpit sa prinsipyo at paninindigan upang isulong ang pambansang demokratikong rebolusyon. Higit lalo sa panahon ng pagwawasto ng Partido, isasabuhay ng mga kabataan ang dalawang mayor nitong tungkulin: mapangahas na magpukaw, mag-organisa at magpakilos ng kabataan, at sumapi sa Bagong Hukbong Bayan.

Matitiyak ng kabataan ang mapangahas na paglalantad at paglaban sa bulok na sistema ng naghaharing uri at i-popularisa ang demokratikong rebolusyong bayan para sa tunay na pagbabago ng lipunan.

Muli, mainit na pagbati kay Kasamang Cleo del Mundo at sa Melito Glor Command NPA-ST!

Mainit ang pagsuporta ng KM-Cavite kay Kasamag Cleo Del Mundo, Bagong Tagapagsalita ng Melito Glor Command–NPA ST!